Miyerkules, Setyembre 25, 2013

Henshin Saga: Saber - Episode 7: "The GUST of the HURRICANE"



(Ang Nakaraan sa Henshin Saga: Saber....

Di natuloy ang Quiz nila Randy dahil sa pagkakasakit ng Adviser nilang si Ms.Dyna.
Pinuntahan ni Randy sa Ospital ang kanilang Adviser. Sa daang papunta sa ospital ay ìnatake sya ni Reptiless, ang isa sa mga Entities!)

Nagkwentuhan ang magkaklase na si Randy at Madelyn tungkol sa pagkakilala nila ang Prof nilang si Ms.Dyna.
Nanariwa uli kay Madelyn ang mga panahon na bagong pasok palang sya sa Campus nila.

Madelyn: Dati, nung bago pa lang ako sa school natin, si Ms.Dyna ang tumutulong sa Akin pag di ako makapagexam dahil kulang ang pambayad ko sa tuition. Gipit kami sa pera nung time na yon. Pinapahiram ako ni Ms.Dyna ng kulang na pera kaya nakakapagbayad at exam ako. Kapag nakaluwag ay binabayaran ko kaagad.
Napakabait ni Ms.Dyna.

Si Randy naman ang nagkwento, puro mga pang-aasar ni Ms.dyna ang naalala nya.

Randy: parati akong inaasar ni Ms.Dyna.. kapag mababa ang nakukuha ko sa Quiz at kapag kasama ko si Nanami. Pero kahit ganun... Siya ang pinaka paborito ko sa lahat ng prof natin.
Naaawa ako sa kalagayan ni Ma'am ngayon.

Sa Lungga ng mga Entities...

Mosquito Haunter: He he he he! Lord Vladimir, pagkatapos ng 1 oras mula ngayon ay magiging kapwa kong mga Mosquito Haunters ang mga nabiktima ko ng Deadly Needles ko!

Vladimir: Si Saber ang isunod mong tarakan ng mga Deadly Needles mo! gusto kong makita na nahihirapan siya! BWA HA HA HAH!!!

Mosquito Haunter: Ang kahilingan po ninyo ay masusunod, Lord Vladimir!

At umalis na ang Mosquito Haunter para Hanapin ang puntirya niya na si Saber.
Sa Kabilang dako ng Lungga ay may pinaplano na si Reptiless...

Reptiless: Gagawa ako ng paraan para pahirapan ng Matindi ang Saber na yan!
(sa kanang kamay ay may hawak siyang isang Libro...)
gamit ang libro na ito, Lilikha ako ng mga Kampon na Halimaw para madagdagan ang pwersa naming mga Entities! Hahahahahahaha!!!

Balik sa Ospital, nagpaalam na si Randy kay Madelyn paalis ng silid para bumalik sa Campus nila.
Palabas na ng Silid si Randy nang bigla...

Madelyn: Ms.Dyna... Ano pong nangyayari sa'yo?

Randy: (lumingon sa Hinihigaan ng prof nila... Agad na tinawag ang mga Nurse)
Nurse! Tulungan mo kami!

Di mapakali si Ms.Dyna sa pagkakahiga.. Parang kinukumbulsyon.
Dumating ang 2 Nurse para tingnan ang pasyente.
Nang matapos tingnan ay pinalabas nila muna si Madelyn at Randy.
Sa labas ng Silid, kuyom ang palad ni Randy.

Randy: Sige, Madelyn... Alis na ako.

At bigla tumakbo para lumabas ng Ospital...

Madelyn: Mag-iingat ka Randy...

Samantala, Sa isang Mall naman ay nandun ay Mosquito Haunter...

Babae: EEEEEEE...!!! Isang Halimaw!

Nagtakbuhan ang mga tao. Pinaputukan ng mga Gwardya ang Halimaw.

Guard: Paputukan nyo!

(BANG! BANG! BANG!)

ngunit di tumatalab ang mga bala ng mga baril na hawak nila.

Mosquito Haunter: He he heh! Di tatalab ang mga yan sa akin!

Inatake nito ang mga Gwardiya!
Napatumba niya ang lahat ng ito.
Pinagtitira niya ng mga karayom ang mga sibilyan na nandun sa lugar na yon.

Sa kalye na malapit sa Mall na iyon, na-sense ni Orthos ang Halimaw. Agad niyang sinabi kay Randy kung nasaan ito..

Orthos: sa Mall na yon, may nararamdaman ako na andun ang Haunter!

Randy: O.K... (pinatakbo ng mabilis ang motorsiklo...)

Narating din ni Randy ang Lugar na kinaroroonan ng Haunter.

Pagpasok ni Randy sa Loob ng mall, nagkalat ang mga taong nasa sahig ng mall. Namimilipit sa Sakit ng Ulo at nilalamig dahil lagnat.

Randy: parang katulad ng kalagayan ni Ms.Dyna ang nangyayari sa kanya.

Orthos: Oo, Randy.. Asan na kaya ang Halimaw na yon?

Sa itaas ay nakatingin ang Mosquito Haunter, agad na sinugod nito si Randy. Naramdaman ni Randy ang pagsulpot nito sa likod at hinarap niya ang Halimaw.

Randy: Andyan ka palang, Lamok ka! Ikaw pala ang may kagagawan kung bakit nagkasakit ang mga tao dito kasama na dun ang Prof. Namin!

Mosquito Haunter: Hahahahahahaha! Ako nga. At sa loob ng 30 minutos ay magiging katulad ko na sila!

Randy: Magbabayad ka sa mga ginawa mo! (kinuha ang pendant at itinapat sa baywang niya. Naging Archbuckler ito.. Tumakbo palapit sa halimaw at sabay bigkas ng...)
TRANSFORM! SABER MODE!

Nang makapagpalit ng Anyo ay sinipa niya ang Halimaw palabas ng Mall. Dun nagumpisa silang magpalitan ng mga Atake. Isang Round House kick at Suntok ang ibinanat ni Saber sa Halimaw, tumalsik ito ngunit nakalipad ito ng mataas.

Saber: Mandaraya ka!

Mosquito Haunter: Gagawin kitang isa sa mga Kampon ko! HAAAH!!!
(pinatamaan ng mga Karayom si Saber)

Saber: PHWAAAH!

Tinamaan ang isa sa mga Crystal sa Archbuckler niya, bumalik sya sa pagiging si Randy... Dahil sa Tama na iyon ay di nya napansin na nawalan sya ng malay..

Mosquito Haunter: Hahahahaha! Natalo ko si Saber! Nagtagumpay ako!

Unti-unting nyang nilapitan si Randy...

Sa Diwa naman ng nahihimbing na si Randy...

Randy: Ito na ba ang katapusan ko? Paano na ang mga taong nasa panganib? Sinong magliligtas sa Kanila?
Di pa ba sapat ang kapangyarihang taglay ko?

Biglang napalibutan ng malakas na Hangin si Randy! Tinatangay palayo ang Halimaw.

Mosquito Haunter: A-Ano ito?!!! GAAAAAAAHHHH..!!
(nilipad palayo)

nabalutan ng matinding liwanag si Randy, at nang maglaho ang liwanag ay nakatayo na siya na para bang walang nangyari..
Nagulat ang Mosquito Haunter sa nakita nya!

Mosquito Haunter: P-paanong nangyaring nanumbalik ang lakas mo?!! (sinugod si Randy)

Nagpakawala ng isang suntok ang Halimaw ngunit pinigilan ito ng isang Kamay lang ni Randy at sya naman ang nagpakawala ng isang suntok sa Mukha ng Halimaw, tumalsik ang halimaw..
Nagpalit anyo uli si Randy bilang si Saber at muli syang nabalutan ng Malakas na Hangin!

Mosquito Haunter: napakalakas ng Hanging ito! WAAAAAAAAHHH!

Nagbago unti-unti ang Armor ni Saber! Napalitan ng Kulay Puti at Berde na Armor na may mala pakpak ng Lawin na ornamento sa Ulo at katawan nito.

Orthos: Randy, di ko aakalaing magagawa mong mapagbago ng Anyo ang Baluti mo.
Dahil siguro sa Puso mo na tumulong sa iba kaya ang ArchBuckler ay binigyan ka ng mas matinding lakas para magapi ang Halimaw..

Saber: Siguro nga Orthos... Pero, bago ang lahat... Tapusin muna natin ang isang ito.

Itinaas ni Saber ang Kamay niya nang bahagya at isang armas ang lumitaw, isang Staft na may ornamentong tulad ng sakanyang baluti ang makikita dito. Agad niya sinugod at inatake gamit ng armas na iyon ang Halimaw!

Saber: HAAAAAAAHHH! Um!

Mosquito Haunter: GWAAAAAAAHHH! (tumira ng mga Karayom papunta kay Saber)

Pinaikot ni Saber ang Staft na Hawak niya para salagin ang mga karayom at lumikha ito ng hangin kasing lakas ng Buhawi!

Tumalsik pataas ang Halimaw, habang pabagsak ito ay tumalon siya at gamit ang Staft na Hawak niya ay Nagpakawala siya ng Maraming matatalas na Hangin na tumama sa halimaw, dahilan para magkalasug-lasog ang Katawan nito!

Mosquito Haunter: AAAAAHHHKKK...! Di ito Maaari!

Sumabog ang Halimaw habang bumabagsak sa Lupa. Lumapag ito kasabay ng pagtungtong ng paa ni Saber. Bumalik siya sa pagiging Randy.

Pagkatapos ng Labang iyon ay nanumbalik sa dating kalagayan ang mga nabiktima ng Mosquito Haunter kasama dito ang Adviser nila Randy na si Ms.Dyna.

Kinabukasan sa School nila Randy. Good news, Nakapasok na rin si Ms.Dyna! Ang bad news ay...

Ms.Dyna: pasensya na class kung di ako nakapasok kahapon.o.K, ituloy na natin ang naantala niyong 100 items na Quiz...

Class: Huh?!! Si Ma'am naman oh...

Randy: (Napakamot sa ulo.) nakuww.. Nakalimutan kong Magreview kagabi! >_<

Nanami: Hihihi... Buti nagreview ako! Di bale, pakopyahin na lang kita.. ;)

O.K na sana, pero...

Ms.Dyna: Randy... (natatawa) Dito ka sa Harapan umupo. Palit kayo ng upuan ni Lisa.

Nanami: Oopps! Yari ka... Bye, Randy...

Randy: P-Pero, Ms.Dyna..? Aww...

At walang nagawa si Randy kundi pumunta sa harapan at dun umupo... Nagumpisa na si Ms.Dyna na magpaquiz...

Samantala... Sa isang Silid na kinaroroonan ni Ginji...

Ginji: Otou-sama... Hintayin mo lang at ipaghihiganti din kita. Gamit nitong "Kishin no Ken" na ipinamana ni Lolo sa akin..

KISHIN no KEN... ano ang sandatang iyon? At sino ang may kagagawan ng pagkamatay ng Ama nila Ginji?

ABANGAN sa susunod na Episode ng HENSHIN SAGA: SABER!

Next Episode: "Memories of the Past"

Miyerkules, Setyembre 11, 2013

Henshin Saga: Saber Episode 6: "The Swarm"




(Ang Nakaraan sa Henshin Saga: Saber...

Isinugod sa Ospital si Randy dahil sa Pakikipaglaban sa Halimaw na pinadala ni Vladimir, ang Boar Haunter. Sa muling paghaharap nila... Kahit na nahirapan sya sa paglaban sa Halimaw, Nagawa nya pa rin na magapi ito...)

Sa Bahay ni Ms.Dyna, kasalukuyan sya naghahanda para sa pagpasok sa Eskwelahan. Male-late na rin kasi sya nung araw na iyon.

Ms. Dyna: Naku, mali-late na ako sa 1st period... Magpapaquiz pa naman ako ngayon.

Bigla na lang may kung anong bagay na tumusok syang naramdaman sa batok nya na naging dahilan kaya nakada sya ng matinding pagkahilo at unti-unting uminit ang temperatura ng katawan nya.

Ms. Dyna: Uunggh.. Ano ba ito, bakit bigla akong Nahilo?

Kahit nahihilo ay nagawa nyang makuha ang celphone sa bag nya at tinawagan ang isa sa mga Estudyante nya na si Madelyn, ang president ng advisory class nya.

(na-ring ang cp ni Madelyn...)

Madelyn: Yes, Ma'am Dyna? Naku... 
Ganun po ba? 
Sige po...
pupunta na ako dyan...

Ms.Dyna: Bilisan mo, ang sakit na talaga ng ulo ko... Unggghh..

Nagmadali si Madelyn na pumunta sa Apartment na tinitirahan ni Ms.Dyna. Di naman ito kalayuan sa School na pinapasukan niya.

Samantala, gaya ni Ms.Dyna, karamihan ng mga mamamayan sa lugar na yon ay nakaranas din ng matinding pagkahilo at pag-taas ng temperatura ng katawan... Isang bungisngis ang umalingawngaw sa itaas ng isang gusali. Ang lahat ng iyon ay Kagagawan pala ng isang Bagong Halimaw, ang MOSQUITO HAUNTER...!

Sa Lungga ng mga Entities, natutuwa sa Vladimir sa maayos na takbo ng plano nila...

Vladimir: Napakahusay ng planong ikalat ang sakit gamit ang abilidad ang Mosquito Haunter! Dahil sa tindi ng virus na dala ng Haunter na yon, mamamatay sa taas ng lagnat at matinding sakit ng ulo ang mga mabibiktima nya! BWA HA HA HA HA!!!

Nang Oras ding yon, naiinip na ang estudyante ni Ms.Dyna. Isa na rito si Randy... Di sya mapakali sa kinauupuan nya. Napansin ito ni Nanami at natawa sa kanya. Napalingon si Randy kay Nanami.

Randy: Oh? Bakit ka naman natatawa dyan? O.o

Nanami: Di ka kasi mapakali sa kinauupuan mo. Ang ligalig mo kasi. Hahaha... :D

Randy: Eh, pano ba naman.. Kung kelan ko kinarir ang pagrereview, ngayon pa di matutuloy yung Quiz. Asan na kaya si Ms.Dyna?

Nanami: Baka natrapik lang si Ms.Dyna. Wait na lang natin siya. Just be patient.. ;)

Galing sa labas ay pumasok ang isa sa mga Prof. sa school nila na si Mr. Renzo.. May ibinalita ito about kay Ms.Dyna.

Mr.Renzo: Class, di makakapasok si Ms.Dyna sa ngayon. Dinala siya sa Ospital dahil nagcollapse siya sa Taas ng Lagnat nya.
At dahil dyan, Pwede muna kayong lumabas ng silid na ito at hintayin nalang munb ang 2nd Period nyo.

Nalungkot ang mga estudyante sa binalita ni Mr.Renzo. Dahil sa narinig, tumayo sa kinauupuan nya si Randy..

Nanami: Ui, Randy.. San ka pupunta?

Randy: Pupuntahan ko sa Ospital si Ms.Dyna, dito ka lang muna..

Nanami: O.K.. Sige, ingat ka Randy...

May masamang kutob si Randy. Tinungo nya ang pintuan,
dali-dali syang lumabas at pumunta sa parking lot, sumakay sa motorsiklo nya para magtungo sa Ospital na pinagdalhan kay Ms.Dyna.

Habang nasa daan, napaisip ng malalim tungkol sa nangyari sa Adviser niya.

Orthos: bakit, Randy? Anong bumabagabag sa'yo?

Randy: iniisip ko lang, Orthos... Parang ang mga Entities ang may kagagawan nito. Kailangan kong puntahan si Ms.Dyna sa Ospital...

Sa kalye na papunta sa Ospital, habang nakasakay sa Motorsiklo nya...

Orthos: Randy! May Kalaban, ILAG!

Mula sa itaas kasi ay inatake sya gamit ang mapanganib na "Acid Spit" tinitira mula sa bibig nito ng isang halimaw, si Reptiless pala iyon!

Randy: WOAH! muntikan na akong tamaan nun ah..

Reptiless: *tuloy-tuloy ang pagtira ng Acid Spit...*

Nailagan lahat ni Randy pero may dumaplis sa balikat at hita nya na dahilan para ma-out of balance sya sa motor.. Buti naagapan nya at nagawa niyang mapatakbo ng matulin para makapaghanap ng mapagtataguan nang sa ganun ay makapagpalit Anyo na rin siya.
Nang nakahanap na sila ay...

Orthos: Magpalit anyo ka na Randy!

Randy: Oo! Eto na... TRANSFORM! Saber Mode...!

At nagpalit anyo na si Randy.
Nang nakapagpalit anyo na sya bilang si SABER, nagbago ang kanyang motorsiklo sa pagiging STAGREDDER at sumakay na sya para kalabanin ang Haunter.

Saber: At sino ka naman?

Reptiless: Ha ha ha ha ha! Ako si Reptiless, isa sa mga Entities. Nandito ako para tapusin kita!

Saber: isa sa mga entities? ikaw ba ang may kagagawan kung bakit naospital ang Adviser namin!

Reptiless: Ano naman ngayon kung isa sa amin ang may kagagawan nun?

Saber: Pagbabayaran nyo ang ginawa nyong iyon! (Pinaandar ang STAGREDDER at saka inatake ang Halimaw)

Tinira ni Reptiless ng Acid Spit si Saber, inilagan niya lang ito at saka tumalon sa STAGREDDER at bibigyan nya ito ng isang Malakas na "Flying Kick"!

Saber: HAAAAHHH...!!!

Biglang hinampas ng mahabang buntot ni Reptiless si Saber. Tinamaan ito at saka tumalsik sa isang kotse na nakaparada.

Reptiless: Ha ha ha ha ha! Dito na magwawakas ang buhay mo, Saber!

Hinampas nya si Saber ng Mahabang buntot niya ngunit nakailag ito...

Reptiless: ANONG?!!

Hinampas niya ulit, ngunit nahawakan ni Saber ang buntot nya..

Saber: Sobra ka na ha.. Ako naman ngayon, ARCHBLADE!

Lumitaw ang Archblade sa Kanang kamay niya at saka niya pinutol ang buntot ni Reptiless!

Reptiless: AHHHHHHH...!!!
Bwisit ka! GAAAH..! (tinira ulit ng Acid Spit si Saber)

nagdodge si Saber sa pamamagitan ng pagtambling patalikod...
Saka ulit sinugod si Reptiless at inatake gamit ang ArchBlade!
Tinamaan at nasugatan sa braso si Reptiless... Napa-atras siya dahil dito. 

Reptiless: Magtutuos tayong muli! Hmph..!

At dahil sa mga natamong pinsala, ay umatras na sya at bumalik sa lungga nila...

Saber: Hoy! Bumalik ka dito!
Tch! (bumalik na uli siya sa pagiging Randy...)

biglang naalala ni Randy si Ms.Dyna... Nagmadali syang sumakay sa motor niya at pumunta sa Ospital.

Sa Lungga ng mga Entities...

Reptiless: Pesteng Saber yan! Di ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa akin! AAAAAAHHHHHHHHH...!!!

Samantala, nakarating na rin sa Ospital si Randy...
Agad niyang pinuntahan si Ms.Dyna sa Silid nito.
Pagpasok niya, tinanong nya si Madelyn na nagbabantay sa prof. nila kung kumusta na ito.

Randy: kumusta na si Ms.Dyna, Madelyn?

Madelyn: Ayaw bumaba ng lagnat niya. Di matukoy ng mga doctor kung anong virus ang tumama kay Ms.Dyna.. :(

Randy: Ganun ba.. Kawawa naman ang prof natin...
(sa loob-loob ni Randy)
kapag may masamang nangyari kay ms.Dyna, Magbabayad ang Haunter na may kagagawan nito!
At lalo na ang mga Entities na yun!

Galit na Galit na si Randy! Ano ang gagawin niya sa oras na makita niya ang Haunter na may Kagagawan ng pagkasakit ni Ms.Dyna?
ABANGAN SA SUSUNOD NA HENSHIN SAGA: SABER!

NEXT EPISODE: "THE GUST OF HURRICANE"

Martes, Agosto 27, 2013

HENSHIN SAGA: SABER Episode 5 - "Never Give Up!"




(Ang Nakaraan sa HENSHIN SAGA: SABER...

Naaantala ang panunuod ng Concert nila Randy, Nanami at Keith nang umatake ang isang Halimaw, ang BOAR HAUNTER. nagpalit anyo si Randy bilang si Saber para labanan ito pero... Natalo at nagtamo ng maraming Injury ang ating Bida!)

Kinabukasan ay nagising ng maaga si Randy. Tiningnan ang mga pasa nya sa katawan. Sinubakan nyang tumayo. Napansin nyang medyo ayos na ang pakiramdam nya at naghihilom ang mga sugat nya at nakakatayo na siya. Naalala niya ang laban nya kahapon sa pagitan ng halimaw na iyon. Kinausap niya si Orthos.

Randy : ang bilis ng paghilom ng mga sugat ng katawan ko. Ayos ito. napakalakas ng Haunter na yun di ko sya halos mapuruhan.Paano ko kaya matatalo ang Baboy na yun?

Orthos : Di ko rin alam, Randy. Pero, sa ngayon ay magpahinga ka na muna.

Randy : pero Orthos, napaisip lan ako. May iba pang nagagawa ang ArchBuckler?
May sikretong teknik din kayang natatago dito?

Orthos : may Posibilidad ngang meron itong tinataglay na abilidad ang ArchBuckler para mapalakas ang nagmamay-ari nito.

Randy : (nagbihis ng damit..) kailangan ko ng kunting exercise… lalabas muna ako dito.

Orthos : teka Randy, Mahina pa ang katawan mo.

Randy : maglalakad lakad lang ako. Wag kang magalala.

Tumakas ng kanyang kwarto si Randy at pasimpleng lumabas ng ospital. Nagpunta sya sa may parke, sa may lugar na maraming puno. Sinimulan nyang mag inat-inat at nagjogging sa paligid ng Parke.

Sa kabilang dako naman, nagu-umpisa nanamang umatake ng Boar Haunter.


Boar Haunter: GWAAAARK..!

Inatake ang mga kawawang sibilyan at
Winasak ang bawat masalubong, Gusali at Sasakyan.

Pabalik na si Randy ng Ospital nang makita nya ang nagtatakbuhang sibilyan na napadaan sa tapat ng Parke.

Orthos: Mukhang haunter ang dahilan kaya sila nagsisitakbo.

Agad na pinuntahan ni Randy ang lugar kung saan naroon ang Haunter. Hinanap nya ito pero,Hindi alam ni Randy ang Pagsulpot ng Halimaw sa may likuran nya. Inatake sya nito gamit ang Spiked Ball, buti na lang at nakailag siya. Naghanda sya para magtransform.

Boar Hunter : hahahaha!!! Andito ka pala!!!

Randy : mismo!! Babawi ako sa iyo ngayon! (kinuha ang pendant at itinapat sa bewang at naging archbuckler ito at saka siya ay Nagtransform…)
TRANSFORM, SABER MODE!!!

Unti unting nagpalit ang kanyang anyo bilang si Saber! Inatake nya ito, sipa at Suntok sa katawan ng Halimaw. Medyo nasaktan ang Halimaw! Pero…

Boar Hunter : loko ka!!! Etong sa’yo!!! GWAAARRRKKKK!!!!!! (inikot ikot ang hawak at saka inihampas sa lupa, nayanig ito…)
Medyo na-out of balance si Saber kaya inatake ulit ng Halimaw gamit ang armas nito, nakailag naman si Saber. Inilabas niya ang kanyang Archblade! Bumawi ng isang atake sa katawan ng halimaw, nasalag ito ng kadena ng spiked ball nito. Siniko sya ng Halimaw sa mukha at saka tinadykan sa katawan. isa nanamang matinding palitan ng atake ang ginawa ng dalawa. hinampas ulit sya ng Spiked ball ng halimaw hanggang sa naisip ni Saber puntiryahin ang dalang armas nito, ang Kanyang Spiked Ball, nakuha ni Saber sa Kamay nya ang Kadena ng armas ng Halimaw.

Saber : Kung wala ito, ano kayang mangyayari sa iyo? (saka pinutol ang Kadena ng Spiked Ball)

At saka Sunod sunod na atake ang ginawa ni Saber hanggang mapuruhan niya ang Halimaw. Isang Slash sa katawan at saka niya itinarak ang Archblade… hindi nakakilos ang Halimaw dahil sa pagkakatarak ng Archblade… binunot nya iyon.

Boar Haunter : ARRGGHHHHHH!!!! PAANONG NANGYARI ITO?!!!

Saber : pansin ko lang na sobrang lakas mo kapag gamit mo ang armas na iyon, ngayon subukan mo akong atakihin.
Kumilos at Sinugod sya ng Boar Haunter…

Orthos : tapusin mo siya, Saber!!!

Itinapat ni Saber ang ArchBlade sa Archbuckler…

Saber : HAAAAAHHHHHH!!!!!
humanda na sya para tapusin ang Halimaw, nung palapit na ang halimaw… sakto nyang hinati ito sa ulo pababa sa katawan… umalingawngaw ang sigaw ng halimaw…

Saber : Hmmp! Litsong Baboy ka ngayon!!!!

Boar Haunter : HIIINNNDDDDEEEEE!!!!!!!!!!!

Saka ito sumabog…
Di nya alam na may nagmamatyag sa kanyang laban. Isang matang nasa isang mataas na lugar. Nang matapos ang laban ni Saber at ng Halimaw ay umalis na din ito.

Saber: Grabe, akala ko tatagal pa ako sa ospital dahil madadagdagan ang injury ko.

Orthos: Bumalik na tayo ng Ospital baka magtaka sina Doc kung bakit wala ka pa dun.

Saber: *yawns* oo, parang inaantok din kasi ako... Matutulog na muna ako dun.

Nagrevert sya sa pagiging si Randy… at bumalik na sa kanyang kwarto sa ospital…

Kinatanghalian, dinalaw nila Nanami at Keith si Randy. Nakita nila itong nakahiga sa higaaan, masarap ang tulog.

Keith : oh? Bakit tulog pa rin ito? Sayang sasabihin ko sana na tuloy bukas yung concert sa lugar ding iyon.

Nanami : hayaan na muna natin syang magpahinga. Pagka gising mo na lang sabihin yung tungkol dun.

Dahil sa laban na naganap nung umaga, maghapong nakatulog si Randy…

kinabukasan, sa office ni Insp. Jacinto, binalita sa kanya ang tungkol sa pagtalo ni Saber sa Halimaw, agad siyang napaisip...

Stephen : palala ng palala ang nangyayaring pagsalakay ng Halimaw nitong nakaraang mga araw. Buti na lang at sila ay kinakalaban ng misteryosong si Saber.

Pumasok sa silid ang assistant nyang si Preston, may dalang flshdisk at inabot kay Stephen.

Preston : ayan na yung pinapahanap mo sa akin. Marami akong nakalap na Data para makatulong sa pagbuo ng Armed Suit.

Stephen : tamang tama, kontakin mo sila prof at alamin mo kung tapos na nila ang prototype ng Armed Suit na yon.

Preston: Right away, Sir Stephen! (iniwan si Stephen at lumabas na ng office nito..)

At para san ang Armed Suit na iyon?

ABANGAN SA SUSUNOD NA HENSHIN SAGA: SABER!!!

NEXT EPISODE: The Black Needles!

Martes, Hulyo 30, 2013

HENSHIN SAGA : SABER Episode 4 - "INJURED HERO"



(Ang Nakaraaan sa Henshin Saga : Saber...

Lumikha ng bagong Haunter ang mga Entities upang maghasik ng Gulo sa siyudad. Nakilala ni Randy ang Magkapatid na Uchida na sina Nanami at Ginji. Unti unting nalalaman ni Randy ang iba pang nagagawa ng Archbuckler…)

Isang maaliwalas na Hapon, sa School Ground ng Campus nila Randy... Nakatambay sina Randy at Nanami, wala silang prof. sa last subject nila kaya nagkaroon ng pagkakataong maka-usap ni Randy si Nanami about sa Buhay nito sa Japan. Ngunit, naantala lang ito nang sa may kalayuan ay may narinig silang boses, nalaman nilang si Keith iyon at namangha sa kasama ng kanyang bestfriend.

Keith : Wui, Dude! Muztah na? ilang araw din tayong di nagkakabonding ah? Woah.. at may kasama ka nang chikas ngayon ah… ilang araw lang tayong di nagkita, may Girlfriend ka na? Ha ha ha ha ha!!!

Namula sa hiya sina Nanami at Randy…

Randy : Sira! Hindi ah! Oo nga pla si Nanami, kaklase ko.

Nanami : Hello.. good afternoon…

Keith : Hello din and magandang hapon din... ako nga pala si Keith, Bestfriend ni Randy. (bumaling kay Randy)
Wui dude, may mag mo-mall tour sa MOA Bukas ah. Guess who kung sino ang magmo-mall tour? :)

At sa dami ng kanya binigay na posibleng magmall tour sa MOA ay di sya tumama, wala nang maisip si Randy na iba kaya...

Randy: hmmm.. Sige, Sirit na nga.. Sino ba ang may mall tour bukas?

Keith: Tol, favorite mo yon...! Eh di yung "Aphrodite"!

Natuwa sa narinig si Randy, favorite nya kasing Girl Rock Band yun.

Randy : talaga dude? Tara punta tayo bukas! Sama na natin si Nanami. (sabay baling kay Nanami) sama ka ba sa amin manood ng concert?

Nanami : wala namanag pasok bukas. Ok, sasamb ako.

Keith : that’s good, may 3 pa akong free pass dito . ayaw sumama nung tatlong inaya kong girls eh. Tamang tama at nakita ko kayo. Sayang yung isang Pass, hanap kayo ng isa pang pwede sumama. Baka may kaklase kayo na Fan ng Aphrodite.

Randy : (nag-isip sandali, naalala si Ginji) Mii-chan, isama kaya natin si Kuya Ginji mo? Tyak na matutuwa yun sa mapapanuod nya.

Nanami : di ako sure kung sasama sya. Pero try nating ayain…

Tapos na ang klase ni Ginji, pababa na sya galing sa room nila nang makita sya nila Nanami sa balcony.

Nanami : ayun si kuya Ginji, teka lang ha… (sabay sigaw ng…) KUYAAA GIN!!!!

Lumingon si Ginji sa lugar na pinanggalingan ng boses… sumenyas sya na hintayin nila sya. Nakita ni Keith si Ginji… at naalaala niya ang ginawa sa kanilang dalawa ni Randy nung nakaraan araw.

Keith : teka, di ba yan si Suplado? Panong…

Di na natuloy ni Keith ang sasabihin nang pigilan sya ni Randy.

Randy : Keith.. sya pala si Ginji, kapatid sya ni Nanami. Wala tayong magagawa. Hindi ko rin kasi alam na kapatid nya ni Nanami.

Palapit na si Ginji sa Kanila nang salubungin ito ni Nanami.
Inaya ni nanami si Ginji na sumama sa kanila na manuod ng concert. Pumayag naman ito.

Ginji : busy ako Mii-chan di ako makakasama sa inyo, may project akong gagawin… (sabay tingin ng masama kay Randy) ikaw, wag kang gagawa ng kalokohan sa kapatid ko kundi ibabaon kita ng buhay sa school ground na ito.

Nanami : Kuya naman… tigilan mo na nga yan…

Randy : (binelat si Ginji nang di nito nakikita…) :P

Keith : so wala talaga na ibang makakasama? O.K...
Dito na lang tayo magkita-kita bukas. Geh, see you tomorrow! May lakad pa ako... Bye!

Randy : geh tol... Ingats!

Nanami: Bye! :)

at umalis na si Keith.. Naiwan sina Randy, Nanami at Ginji.

Samantala, sa tinataguang lugar naman ng mga Entities, pinaparusahan ni Vladimir si Reptiless dahil sa pagkabigo nito sa nakaraaang misyon.

Vladimir : binigo mo ako!!! HAAAAAAAHHHHH!!!!! (tinira nya ng apoy si Reptiless sa katawan, kaya ito'y napaluhod dahil sa parusang binigay sa kanya ni Vladimir)

humihingi ito ng paumanhin kay Vladimir.

Reptiless : patawarin nyo po ako Lord Vladimir, hindi ko po alam ang tungkol sa armas na meron sya.

Tinira nya uli ito ng isang Bolang Apoy, sa lakas nito ay napahiga si Reptiless sa Sahig na namimilipit sa paso. Saka tinawag ni Vladimir ang isang bagong Haunter.

Vladimir : Lumabas ka, Boar Hunter!!!

Mula sa isang tunnel ay lumabas ang isang Haunter na may dalang Iron Spiked Ball!

Boar Haunter : Lord Vladimir, ano ang inyong Utos?

Vladimir: Tapusin mo si Saber!

Boar Haunter: gamit ang armas ko na ito, tyak na di na sya sisikatan ng araw bukas! hayaan nyo po ako ang tumapos sa kanya. Total hindi rin umubra ang mga planong iminungkahi sa inyo nitong ni Reptiless. Mas maganda siguro kung ako na ang kikilos para tumapos sa pangahas na Saber na yun.

Lubos na ikinatuwa ni Vladimir ang naisip na plano ng Haunter na iyon. kaya kaagad syang pumayag sa hiling nito...

Vladimir : siguraduhin mo na kikitilan mo sya ng buhay…!!!

Boar Hunter : Opo! Lord Vladimir!

At umalis na ang Boar Haunter para simulan ang kanyang misyon.

Kinabukasan, 5:03 pm...
nagkita-kita sina Keith, Randy at Nanami sa School Ground ng campus nila. At nagtungo na sila Mall na pagdadausan ng concert.
Mga bandang 6 o’clock na nang nakarating sina Randy sa Mall, medyo marami na rin ang mga tao nung mga oras na yun kaya dali dali silang pumunta sa may bandang harapan ng Stage.

Keith : buti na lang at nakarating kaagad tayo kung hindi baka sa likuran tayo pupwesto. Ready ka na ba Randy?

Randy : oo naman dude, matagal ko na kayang gustong nakita sila ng personal lalo na yung vocalist nilang si Hannah Oh…

Nanami : ayos pala dito parang sa Japan din, kapag weekdays sa mga mall may mga nagpeperform na mga singers or banda.

Randy : parang nasa Japan ka na rin pala kung ganun. Dito minsanan lang magkaroon nito. Lalo na yung libre ang entrance.

Unti unting dumami ang mga manonood. Di mahulugang karayom sa dami. Biglang Hiyawan ang lahat nang lumabas sa back stage ang mga members ng Aphrodite band. Kumaway sina Mae at Riza, ang drummer at ang bassist ng banda. Binati ng Vocalist na si Hannah at ng bassist na si Tommie ang mga manonood.

Hannah : sana po ay mag-enjoy kayo sa jamming naming ngayon gabi na ito..!

Tommie : good evening sa inyo, sana po ay magustuhan nyo ang jamming sa gabing ito!!!
Nakihiyaw sina Kieth at Randy sa mga nanonood.

Randy : HAAANNNAAAHHH!!!! Good luck sa performance nyo!!!

Keith : ang cute mo talaga ni Tommie!!!

Napailing lang si Nanami sa ginagawa ng dalawa.

Nanami : *sigh* ang mga boys talaga…

Pagkatapos ay inumpisahan na ang Palabas. lakas ng hiyawan nang nagumpisa nang kantahin ng banda ang isa nilang kanta… sabay sila Randy at Keith na nakikanta sa Vocalist, s Nanami nakinig lang at in-enjoy ang napapanood. sa kalagitnaan ng kantang iyon ay nagkagulo sa isang lugar sa paligid ng Concert Ground…

Randy : ano ba yan, kainis!!! May balak pa atang manggugulo.

Keith : oo nga.. kabitin!!!
may ibang nararamdaman ni Orthos…

Orthos : Randy, nararamdaman kong may Halimaw ngayon sa lugar na ito ngayon.

Randy : ano? Wrong timing naman oh…

Nanami : bakit Randy?

Randy : may Haunter daw sa lugar na ito ngayon…

Nanami : naku, bakit ngayon pa…

Di nga nagkamali sa naramdaman si Orthos, dahil ang isa sa mga sibilyan ay bigla na lang nabalutan ng kadena at biglang hinila papunta sa Sa dilim. Mula doon ay lumabas ang Boar Haunter.

Boar Haunter : dito na matatapos ang pagsasaya nyo mga kawawang nilalang!!! GWWAAARRRRKKKKKK!!!!!

Inatake ng Halimaw ang mga sibilyan, gamit ang kanyang Iron Spiked Ball isa-isa nyang inatake ang mga manonod… hinampas sa lupa ang dalang armas at yumanig ang buong concert ground.
Nagtakbuhan ang mga tao palayo lugar na yon.

Randy : Bagong Haunter nanaman!

Orthos : Randy, Magtransform ka na!!!

lumayo mula sa lugar sina Nanami at Kieth at si Randy ay naghanda para makapag-transform, itinapat nya ang pendant at naging Archbuckler ito. saka siya nagpalit anyo...

Randy: TRANSFORM, SABER MODE!

Pagkatapos makapagpalit anyo ay bumalik siya sa lugar na kinaroroonan nina Nanami.

Saber: lumayo na kayo dito ni Kieth. haharapin ko muna ang Halimaw na ito.


Keith : oo, sige… tara na Nanami... (lumayo mula sa lugar na iyon…)

Patakbong bumalik si Saber sa kinaroroonan ng Halimaw at inatake ni ito…

Orthos : gamitin mo sa kanya ang ArchBlade!

Saber : Sige.. ArchBlade!!!

Habang inaatake ng Boar Haunter ang mga sibilyan, mula sa likod ay inatake naman sila ni Saber gamit ang ArchBlade. Hinampas nya sa likod si Hugo pero bale wala lang ito sa kanya.

Saber : Ano? Bakit di sya tinablan?

Boar hunter : nangingiliti ka ba? (sabay tadyak kay Saber.)
Tumalsik sa may stage si Saber. Tumayo ng bahagya si Saber, nakita nyang Aatakihin ng Halimaw ang Vocalist ng Aphrodite na si Hannah.

Boar Haunter: GWAAAAARKK.!!!

Hannah: EEEEEEEEE...!!!

Saber: Ililigtas kita, Hannah!

Tumakbo siya at pinansalag ang sarili sa Atake na iyon ng Halimaw sa Kawawang babae.
Tinamaan ng matindi si Saber sa Atake na yon. Nagalit ang Halimaw, at bigla namang inatake ng halimaw si Saber. Hinampas ng Iron Spiked Ball sa katawan si Saber.

Boar Haunter : ang akala ko ay kawili-wili kang kalaban, hindi pala… (hinawakan sa leeg si Saber at inihagis ito..)

bumagsak siya sa may parking lot si Saber. Di pa rin sya natinag, dahan-dahan syang tumayo sya at hinanap ang Motor nya, nakita naman nya iyon. Kahit hinang hina ay sumakay siya sa Motor…

Saber : kung di umubra ang mga ordinaryong atake ko, eto naman ang susubukan ko. STAGREDDER!!!

Unti unting nagbagong anyo ang motor nya. Pinaandar nya yun ng mabilis at inatake ang Boar Haunter.

Orthos : anong gagawin mo Randy?!!!

Saber : Susubukan kong atakihin sya gamit nitong STAGREDDER.
Pinaandar at tumungo sa kinaroroonan ng Haunter, inatake nya ito.

Saber : humanda ka ngayong Baboy ka!!!! HYYAAAAHHHHHHH!!!!!
Sapol ang Boar Haunter at tumalsik ito, matindi ang pinsala na tinamo nito.. bumaba si Saber sa Motor at humanda para sa tapusin ito.

Saber : HAAAAAHHHH!!!! (muli ay nilabas nya ang ArchBlade at pumorma para Tapusin ang Halimaw…) katapusan mo na!!! (patakbong umatake at tumalon para hatiin sa gitna ang halimaw)
Nakita iyon ng Halimaw at hinampas niya ito ng kanyang Iron Spiked Ball kaya muli ay tumalsik si Saber sa malayo.

Tatapusin na sana nito si Saber pero nagbago ang isip nito.

Boar Hunter: ipagpapaliban ko muna ang pagtapos ko sa iyo… sa susunod ay tutuluyan na kita!!! GWARRRkHHAkHAkHAkHA!!!!

Lumayo ng kunti ang Boar Haunter at unti unting naglaho… iniwan si Saber na Hinang hina. Bumalik sa dating anyo at nilapitan nila Nanami.

Nanami : kailangang madala ka namin sa Ospital, malubha ang mga tama mo Randy.

Randy : ayos lang ako Nanami, wag kang mag-alala… (biglang hinimatay…)

Nanami : Randy!!!

Keith : dalhin natin sya sa ospital, tatawag ako ng Taxi.
Tumawag ng taxi si Kieth, agad naman may tumigil at saka nila isinakay si Randy. Dinala ito sa malapit na ospital. Habang ginagamot si Randy sa E.R,
Hindi mapakali si Nanami, habang si Keith ay inaabangan ang doctor na lumabas at sabihin sa kanila ang resulta.

Nanami : naku po, Dyos ko.. sana walang mangyari masama kay Randy… (nagdasal ng taimtim)

Lumabas ang doctor mula sa emergency Room at sinabi ag resulta ng paggamot sa tama ni Randy.

Doctor: napinsala ng kunti ang kanyang Rib cage at back bone niya. Pero, kailangan nyang manatili ng mga ilang Araw dito sa ospital, baka sa makalawa ay makakalabas na sya ng ospital.
sa ngayon ay natutulog na sya. Bukas nyo na lang sya kausapin.

Nanami : Sige po, naiintindihan po namin, Doc.

Keith : tara na Nanami, uwi na muna tayo. Buti at di gaano malala ang kanyang injuries...

Doctor: Sige, maiwan ko na kayo.

Keith: Thank you po, Doc...

Nanami: (Yumuko bilang tanda ng pasasalamat...)

Samantala, sa Lungga ng mga Entities..

Vladimir: HA HA HA HA HA HA!!!
Napakagaling ng Ginawa mo, Boar Haunter! Dapat ay tinuluyan mo na siya!

Boar Haunter: Kahit papano ay mahihirapan na poang Saber na yan na makipaglaban dahil sa pinsala na natamo niya. Di bale po, sa susunod ay tatapusin ko na sya!

Ano na ang Gagawin ng ating Bida ngayong may pinsala ang kanyang katawan at di sya makalaban?

ABANGAN SA SUSUNOD na HENSHIN SAGA: SABER!

Next Episode: "Never Give Up!"

Linggo, Hunyo 30, 2013

HENSHIN SAGA: SABER - EPISODE 3: "STAGREDDER"



Opening Theme: "Metamorphose" by JAM Project.
STAGREDDER theme : "RUSH" by UVERworld
(Don't mind the videos and pictures used in these 2 videos.. I DONT OWN THESE SONGS/VIDEOS. copyright and properties by their respected owners)


(Ang Nakaraan sa Henshin Saga: Saber.
Nagpadala ng panibagong Haunter ang mga Entities para Maghasik ng Gulo sa Siyudad. Nakila ni Randy ang magkapatid na Uchida na sina Nanami at Ginji. Sa kasamaang palad ay Inatake ang mga ito ng isang Haunter pero dumating si Randy para iligtas sila...)

Eagle Haunter: Ang tapang mo naman para Harapin ako..

Randy: ha ha ha...! Di pa ba halata? Tatapusin kta agad, (Kinuha ang Kwintas at itinapat sa bandang bewang niya...At naging ArchBuckler ito!)

Eagle Haunter: kakainin mo ang mga sinasabi mo na yan! AWWWWWKKK!

Biglang Sinugod si Randy ng Eagle Haunter!

Isang Suntok at sipa ang pinakawalan nito pero inilagan lang ang mga iyon ni Randy. Nang makakuha ng Tiyempo.

Randy: TRANSFORM! SABER MODE!

Nagpalit anyo na si Randy bilang Si Saber!
Kitang kita ni Nanami at Ginji si Randy na nagpapalit anyo niyang iyon…

Nanami : R-randy?

Ginji : huh?!!

Nakapagpalit anyo na si Randy at Hinarap ang Halimaw,

Eagle Halimaw : AWKKKK… ikaw pala ang pinapatugis sa akin nila Lord Vladimir, ang Tampalasang si SABER!!!

SABER : Ako nga au wala nang iba! At humanda ka ngayon!!! (sinugod ni Saber ang Halimaw)

Orthos : isang Eagle Haunter ang kalaban mo ngayon, magiingat ka sa mga Matatalas na feather blades nya, tyak na mahihiripan ka dahil sa Nakakalipad siya.

SABER : naiintindihan ko… (sinugod nya ng isang sipa sa katawan ang halimaw)
ngunit bigo siya, lumipad ito pataas gaya ng sabi ni orthos sa kanya.

Eagle Haunter : AWKKKAKAKAKAAKAKKK!!! Hindi ako maabot ng mga atake mong ganyan!!!

SABER : Kainis! Anong sabi mo!Bumaba ka ditong Manok ka!!!

Eagle Haunter : Hindi Ako isang Manok!!! Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin, yari ka sa akin!!! AAWWKKK!!! (sinugod nya sa Saber at nahuli nya ito gamit ang Talons nya at nilipad nya ito paitaas, mataas na mataas…)

Eagle Haunter : ano? Kaya mo ba sa ganito kaitaas?!!! AAWKKKK KAKAKAKAAKKK!!!

Saber : ibaba mo ako!

Eagle Haunter: Katapusan mo na ngayon!

SABER: (Itinaas ang kamay...)ARCHBLADE!

Gamit ang ArchBlade ay itinusok nya ang Hita ng Halimaw, nasaktan ito

Eagle Haunter :AWWKKKKKKKKKKKKK!!! (nabitawan si Saber at nahulog siya pababa)

Buti na lang at may building malapit sa pinaglalabanan nila kaya nakalanding sya ng maayos…

Saber: Akala mo ha.. (tumingin sa ibaba) WAAAAHHHHH!!!! Ang taas!!!

Eagle Haunter: Di pa tayo tapos, SABER!

Pansamantalang tumakas muna ang Eagle Haunter.

Saber: Hoy! Bumalik ka dito! (bumalik na sya sa pagiging si Randy..)

Binalikan ni Randy ang magkapatid. Nilapitan sya ng mga ito.

Nanami: Ang galing mo naman, Randy! Natalo at napa-alis mo ang Halimaw!

Randy: Gaganti yon panigurado pero hihintayin ko nalang ang pagbalik nya. Tatapusin ko na sya sa susunod! Teka, okay lang ba kayo ni Kuya Ginji? Di ba kayo nasaktan nung halimaw?

Ginji: WAG MO AKONG TAWAGING KUYA!

Nanami: Kuya naman oh, niligtas naman nya tayo. (bumaling kay Randy) Yup, okay naman kami ni Kuya. Galos lang, pero yung motor nya ang di Okay.. Laki ng Sira ng motor ni Kuya.

Randy: Sayang naman, tara... Dun na lang muna kayo sa Amin magpalipas ng Gabi. Baka kasi atakihin ulit kayo ng Halimaw at para magamot yung mga Galos nyo.

Nanami: Itanong ko muna kay Kuya kung okay lang sa kanya. Kuya, dun muna tayo kina Randy magpalipas ng Gabi. Please?

Ginji: Hmmm... Sige.

Nanami: Thank you, kuya! ^_^

Randy: (Lubos natuwa sa naging desisyon ng kuya ni Nanami.)
Tara na, pagabi na rin kasi at nagugutom na ako.

At nagtungo na nga sila sa
Bahay nila Randy para magpalipas ng Gabi.

Sa Lungga ng mga ENTITIES...

Reptiless: Mahusay ang ginawa mo Eagle Haunter. Magpahilom ka muna ng Sugat at Ipagpatuloy mo na ang pagsalakay mo sa mga
Tao!

Eagle Haunter: GAWWWWKKK! Opo!

Reptiless: ha ha ha ha ha!

Sa Bahay nila Randy, nalinisan na niya ang galos ng Magkapatid.
Kasalukuyang kinakausap ni Rina, Ate ni Randy ang Kapatid.

Rina: Randy, Ilang araw ka palang sa college, puro pambababae na ang gnagawa mo.Magtapat ka nga sa akin... Girlfriend mo ba ang babae na yon?

Randy: H-Hindi Ate... Grabe ka.. Ang Awkward naman ng mga Tanong mo...

Rina: at sino naman yung Gwapong kasama nyo? (tiningnan ng matagal si Ginji)

Randy: Ate, ayan ka nanaman ha.
Tara, at nang mapakilala kita sa kanila.. :)

Lumapit sila sa magkapatid na Uchida. Isa-isang pinakilala ni Randy ang magkapatid.

Randy: Nga pala Ate, si Nanami, classmate ko at ang Kuya nyang si Ginji.. At siya naman ang Ate ko.. :D

Nanami: Magandang Gabi po.. :)

Rina: Magandang gabi din sa inyo ng Guwapo mong kuya..

Ginji: (tahimik lang ito...)

Randy: at nga pala Ate, pwede dito muna sila?

Rina: Oo ba... Andito naman si Gwapo kaya okay lang sa akin. :)

Randy: Hui, Ate... Mahiya ka naman sa bisita ko.

Rina: Tse! Tigilan mo ako.. (sabay tingin kay Ginji) Ah, Ginji... Kumain na muna tayo ng Dinner, baka gutom ka na kasi...

Randy: Oo nga, kain na muna tayo ng Dinner.. :)

At kumain na nang Hapunan ang apat.. Pagkatapos magsikain, naghanda na para matulog sina Randy, Nanami at Ginji. Naiwan sa kusina ang Ate ni Randy para magligpit ng pinagkainan nila.

Itinuloy ng Eagle Haunter ang pag-atake sa siyudad, mahigit 20 ang nabiktima nito sa loob ng Magdamag na pagatake.

Eagle Haunter: Marami na rin akong napatay, Hahanapin ko na lang muna si Saber para tapusin siya. GAWKAKAKWAKK..!

Kinaumagahan, dinaanan nina Ginji sa Talyer ang Motorsiklo nyang naplatan dahil sa pag-atake ng Halimaw sa kanila kahapon. Ayos na ang Gulong nito sa Harapan... Pero di nya na muna ito ginamit. Naglakad na lang sya muna papasok kasama sina Nanami at Randy.

7:39am, ilang minutos na lang at maguumpisa na ang Klase nila Randy at Nanami, at sya namang Pag-atake ng Eagle Haunter sa School nila.

Eagle Haunter: (habang Inatake ang bawat makitang estudyante..) GAWKAKAKAKAK!!!

Maraming nasugatan at nasaktan sa ginawa nitong pag-atake...

Na-sense ni Orthos ang Nangyayari kaya sinabihan nya si
Randy na magtungo sa lugar na kinaroroonan ng Halimaw.

Orthos: Randy, Ayun ang Halimaw!

Randy: Hoy! Manok! Itigil mo yan...!

Eagle Haunter: Sa wakas at dumating ka din... Kung tinagalan mo pa siguro ay tyak nagkalat na ang mga bangkay ng mga estudyante dito!


Randy: Hindi kita mapapatawad sa walang habas mo ng pagkitil ng mga inosenteng buhay! (kinuha ang kwintas at itinapat sa bewang, naging ArchBuckler ito..)
TRANSFORM... SABER MODE!

At nagpalit na ng anyo si Randy bilang si SABER!

Sa may Parking Lot ng School naglaban ang Dalawa!
Palitan sila ng mga Atake! Magkabilang suntok ang ginawa ni Saber sa Eagle Haunter. Nasalag ng halimaw ang mga sumunod nyang mga Atake. Binawian sya nito. Gamit ang mga blade talons nito ay inatake nya si Saber! Nag-dodge si Saber, pagkatapos ay itinaas nya kanyang kanang kamay...

SABER: ARCHBLADE!

Lumitaw sa kanang kamay nya ang ARCHBLADE! Sinugod nya ang halimaw gamit nito pero, lumipad ito at mula sa ere ay tinira sya nito ng maraming matatalas na blades galing sa pakpak nito!

Eagle Haunter: etong sa'yo! GWAKAKAKAAK!

SABER: (sinangga ang mga Blades pero, tinamaan parin sya!)
FWAAAHH!!!

Eagle Haunter: (Lumipad palayo sa pinaglalabanan at iiwan ang Kalaban...)

SABER: HOY! Teka lang... (may tinawag sa kanya sa likod, si Ginji!)

Nanami: Naku, tatakas ang halimaw! Panu na yan?

Ginji: Saber! Gamitìn mo muna ang motor ko para habulin ang halimaw na yon..

(dahil sa sinabi ng kapatid ay naisipan ni Ginji na ipahiram ang motor nya..)

Saber: (nilapitan si Ginji..) salamat...

Nung sumakay si Saber sa motor ay biglang nagliwanag ang Archbuckler...!

Saber: Orthos! Ano nangyayari?

Tumama ang liwanag sa Motorsiklo ni Ginji at unti-unting Nagbago ng Anyo.
Ang kulay silver na Motor ni Ginji ay naging kulay pula na may Sungay ng isang Stagbettle ang harapan nito at nagkaroon ng mala-armor na bahagi iyon…
nang matapos ang transformation ng motor,
pinaandar nya ito para habulin ang halimaw.

Saber: Nice, ang Cool naman nito... Let's Go! Habulin na natin ang Halimaw!

At umalis na nga si Saber sakay ng Motor na iyon.
Naiwan at di pa rin makapaniwala si Ginji sa nangyari sa Motor nya, ganun din ang kanyang kapatid na si Nanami.

Samantala ang Eagle Haunter ay nagtungo sa siyudad para takasan si Saber.

Eagle Haunter: GWAKAAAAKAAKAK...! Di na ako maaabutan ng SABER na iyon!

Saber: Yan ang akala mo!

Ang di alam ng Halimaw Nasa likuran na pala nito si Saber!

Saktong sa may Fly-over napadaan ang halimaw, dun din dumaan si Saber. Nung magtungo sa isang malapit na Gusali ang Halimaw, pinatalon nya sa ang Motor. Mataas ang oaitalon nun! Para ba itong lumilipad!

Gamit ang ArchBlade ay sinaktuhan nyang hiwain ang isang pakpak ng Halimaw.

Eagle Haunter: (Habang pabagsak sa Kalye) GWAAAAAAK!!!

Nakalapag naman ng ligtas ang motor na sinasakyan nya.
Bumaba na siya sa Motor para tapusin na ang Laban.

Saber: At ang panapos na Atake... (Itinapat ang ArchBlade sa ArchBuckler, nagliwanag ito..)

Tumakbo papunta sa Halimaw at saka nito hiniwa gamit ang ArchBlade! Nahati sa Gitna ang Halimaw...

Eagle Haunter: HIIINNNNDIIII...!!!

At saka ito Sumabog...

Saber: haiz.. Tapos na din, sa wakas...

Orthos: Oo nga... Magaling, Saber!

Saber: salamat...

Dumating sina Nanami at Ginji, at nagbalik na ulit sya sa pagiging Randy.
Binati ni Nanami si Randy.

Nanami : buti at nailigtas mo ang school at mga ka-school mate natin, Randy.. ang Kakkoi mo talaga...

Randy : Hehe, Arigato.. Mii-chan.
(sabay tapik sa likod ni Ginji)Salamat pala sa motor mo, Ginji… laking tulong nun talaga..

May naisip na ideya si Nanami.

Nanami : Randy, Gusto mo sa’yo na lang yung Motor ni Kuya?

Ginji : Ano? Mii-chan, Hindi ako makakapayag nyan… bagong bili ko yun!!! Walang katulad yun sa buong mundo!

Nanami : (nilambing ang kuya nya) sige na Nii-san, Please… Niligtas naman nya tayo di ba? Saka makakabili ka pa naman ng ganun. mas maganda kung sya ang gagamit nun para mas marami pa syang matulungan na taong na sa panganib?

Ginji : TCH…!!! Sige na nga… (tumingin kay Randy) hoy kumag, iyo na yung motor ko… pasalamat ka na lang at nilambing ako ni Mii-chan kung hindi, mamamatay ka sa inggit sa akin dahil may maganda akong motor …!!! ( sabay talikod..)

Nanami : Honto Desu ka? (Sa English: Really?)
Arigato, Nii-san..!!!

Ginji : (habang nakatalikod) Oo, Mi-chan…

Randy : talaga Suplado? akin na lang yung motor mo? Pwera bawi na ha?

Ginji : iyong iyo na yan!

Randy : YESS!!! salamat KUUUUUYAAAAAAA!!!!

Ginji : Hmph! (kahit nahihiya ay...)
Salamat sa pagligtas mo sa amin.

Randy: Hehe, wala yon... Basta kayo ni mii-chan..

Ginji: Aba, loko 'tong...

Nanami : ang gulo nyo talaga... (natatawa kina Randy at Ginji)

Randy: O.K! Balik na tayo ng school...Nga pala, Libre mo kami mamya ng Lunch, Kuya..

Ginji: Ang Kulit mo, Wag mo akong tawaging Kuya!

At bumalik na sina Randy, Nanami at Ginji ng School nila...

Isa nanamang tagumpay ng ating Bayani na si Saber… ano pa kayang mga kalaban ang ipapadala nila Vladimir para harapin sya? Mapipigilan kaya sya sa susunod ng mga Entities?ABANGAN sa susunod na Henshin Saga : Saber!!!

=>NEXT EPISODE: "Injured Hero"