(Ang Nakaraan sa Henshin Saga: Saber.
Nagpadala ng panibagong Haunter ang mga Entities para Maghasik ng Gulo sa Siyudad. Nakila ni Randy ang magkapatid na Uchida na sina Nanami at Ginji. Sa kasamaang palad ay Inatake ang mga ito ng isang Haunter pero dumating si Randy para iligtas sila...)
Eagle Haunter: Ang tapang mo naman para Harapin ako..
Randy: ha ha ha...! Di pa ba halata? Tatapusin kta agad, (Kinuha ang Kwintas at itinapat sa bandang bewang niya...At naging ArchBuckler ito!)
Eagle Haunter: kakainin mo ang mga sinasabi mo na yan! AWWWWWKKK!
Biglang Sinugod si Randy ng Eagle Haunter!
Isang Suntok at sipa ang pinakawalan nito pero inilagan lang ang mga iyon ni Randy. Nang makakuha ng Tiyempo.
Randy: TRANSFORM! SABER MODE!
Nagpalit anyo na si Randy bilang Si Saber!
Kitang kita ni Nanami at Ginji si Randy na nagpapalit anyo niyang iyon…
Nanami : R-randy?
Ginji : huh?!!
Nakapagpalit anyo na si Randy at Hinarap ang Halimaw,
Eagle Halimaw : AWKKKK… ikaw pala ang pinapatugis sa akin nila Lord Vladimir, ang Tampalasang si SABER!!!
SABER : Ako nga au wala nang iba! At humanda ka ngayon!!! (sinugod ni Saber ang Halimaw)
Orthos : isang Eagle Haunter ang kalaban mo ngayon, magiingat ka sa mga Matatalas na feather blades nya, tyak na mahihiripan ka dahil sa Nakakalipad siya.
SABER : naiintindihan ko… (sinugod nya ng isang sipa sa katawan ang halimaw)
ngunit bigo siya, lumipad ito pataas gaya ng sabi ni orthos sa kanya.
Eagle Haunter : AWKKKAKAKAKAAKAKKK!!! Hindi ako maabot ng mga atake mong ganyan!!!
SABER : Kainis! Anong sabi mo!Bumaba ka ditong Manok ka!!!
Eagle Haunter : Hindi Ako isang Manok!!! Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin, yari ka sa akin!!! AAWWKKK!!! (sinugod nya sa Saber at nahuli nya ito gamit ang Talons nya at nilipad nya ito paitaas, mataas na mataas…)
Eagle Haunter : ano? Kaya mo ba sa ganito kaitaas?!!! AAWKKKK KAKAKAKAAKKK!!!
Saber : ibaba mo ako!
Eagle Haunter: Katapusan mo na ngayon!
SABER: (Itinaas ang kamay...)ARCHBLADE!
Gamit ang ArchBlade ay itinusok nya ang Hita ng Halimaw, nasaktan ito
Eagle Haunter :AWWKKKKKKKKKKKKK!!! (nabitawan si Saber at nahulog siya pababa)
Buti na lang at may building malapit sa pinaglalabanan nila kaya nakalanding sya ng maayos…
Saber: Akala mo ha.. (tumingin sa ibaba) WAAAAHHHHH!!!! Ang taas!!!
Eagle Haunter: Di pa tayo tapos, SABER!
Pansamantalang tumakas muna ang Eagle Haunter.
Saber: Hoy! Bumalik ka dito! (bumalik na sya sa pagiging si Randy..)
Binalikan ni Randy ang magkapatid. Nilapitan sya ng mga ito.
Nanami: Ang galing mo naman, Randy! Natalo at napa-alis mo ang Halimaw!
Randy: Gaganti yon panigurado pero hihintayin ko nalang ang pagbalik nya. Tatapusin ko na sya sa susunod! Teka, okay lang ba kayo ni Kuya Ginji? Di ba kayo nasaktan nung halimaw?
Ginji: WAG MO AKONG TAWAGING KUYA!
Nanami: Kuya naman oh, niligtas naman nya tayo. (bumaling kay Randy) Yup, okay naman kami ni Kuya. Galos lang, pero yung motor nya ang di Okay.. Laki ng Sira ng motor ni Kuya.
Randy: Sayang naman, tara... Dun na lang muna kayo sa Amin magpalipas ng Gabi. Baka kasi atakihin ulit kayo ng Halimaw at para magamot yung mga Galos nyo.
Nanami: Itanong ko muna kay Kuya kung okay lang sa kanya. Kuya, dun muna tayo kina Randy magpalipas ng Gabi. Please?
Ginji: Hmmm... Sige.
Nanami: Thank you, kuya! ^_^
Randy: (Lubos natuwa sa naging desisyon ng kuya ni Nanami.)
Tara na, pagabi na rin kasi at nagugutom na ako.
At nagtungo na nga sila sa
Bahay nila Randy para magpalipas ng Gabi.
Sa Lungga ng mga ENTITIES...
Reptiless: Mahusay ang ginawa mo Eagle Haunter. Magpahilom ka muna ng Sugat at Ipagpatuloy mo na ang pagsalakay mo sa mga
Tao!
Eagle Haunter: GAWWWWKKK! Opo!
Reptiless: ha ha ha ha ha!
Sa Bahay nila Randy, nalinisan na niya ang galos ng Magkapatid.
Kasalukuyang kinakausap ni Rina, Ate ni Randy ang Kapatid.
Rina: Randy, Ilang araw ka palang sa college, puro pambababae na ang gnagawa mo.Magtapat ka nga sa akin... Girlfriend mo ba ang babae na yon?
Randy: H-Hindi Ate... Grabe ka.. Ang Awkward naman ng mga Tanong mo...
Rina: at sino naman yung Gwapong kasama nyo? (tiningnan ng matagal si Ginji)
Randy: Ate, ayan ka nanaman ha.
Tara, at nang mapakilala kita sa kanila.. :)
Lumapit sila sa magkapatid na Uchida. Isa-isang pinakilala ni Randy ang magkapatid.
Randy: Nga pala Ate, si Nanami, classmate ko at ang Kuya nyang si Ginji.. At siya naman ang Ate ko.. :D
Nanami: Magandang Gabi po.. :)
Rina: Magandang gabi din sa inyo ng Guwapo mong kuya..
Ginji: (tahimik lang ito...)
Randy: at nga pala Ate, pwede dito muna sila?
Rina: Oo ba... Andito naman si Gwapo kaya okay lang sa akin. :)
Randy: Hui, Ate... Mahiya ka naman sa bisita ko.
Rina: Tse! Tigilan mo ako.. (sabay tingin kay Ginji) Ah, Ginji... Kumain na muna tayo ng Dinner, baka gutom ka na kasi...
Randy: Oo nga, kain na muna tayo ng Dinner.. :)
At kumain na nang Hapunan ang apat.. Pagkatapos magsikain, naghanda na para matulog sina Randy, Nanami at Ginji. Naiwan sa kusina ang Ate ni Randy para magligpit ng pinagkainan nila.
Itinuloy ng Eagle Haunter ang pag-atake sa siyudad, mahigit 20 ang nabiktima nito sa loob ng Magdamag na pagatake.
Eagle Haunter: Marami na rin akong napatay, Hahanapin ko na lang muna si Saber para tapusin siya. GAWKAKAKWAKK..!
Kinaumagahan, dinaanan nina Ginji sa Talyer ang Motorsiklo nyang naplatan dahil sa pag-atake ng Halimaw sa kanila kahapon. Ayos na ang Gulong nito sa Harapan... Pero di nya na muna ito ginamit. Naglakad na lang sya muna papasok kasama sina Nanami at Randy.
7:39am, ilang minutos na lang at maguumpisa na ang Klase nila Randy at Nanami, at sya namang Pag-atake ng Eagle Haunter sa School nila.
Eagle Haunter: (habang Inatake ang bawat makitang estudyante..) GAWKAKAKAKAK!!!
Maraming nasugatan at nasaktan sa ginawa nitong pag-atake...
Na-sense ni Orthos ang Nangyayari kaya sinabihan nya si
Randy na magtungo sa lugar na kinaroroonan ng Halimaw.
Orthos: Randy, Ayun ang Halimaw!
Randy: Hoy! Manok! Itigil mo yan...!
Eagle Haunter: Sa wakas at dumating ka din... Kung tinagalan mo pa siguro ay tyak nagkalat na ang mga bangkay ng mga estudyante dito!
Randy: Hindi kita mapapatawad sa walang habas mo ng pagkitil ng mga inosenteng buhay! (kinuha ang kwintas at itinapat sa bewang, naging ArchBuckler ito..)
TRANSFORM... SABER MODE!
At nagpalit na ng anyo si Randy bilang si SABER!
Sa may Parking Lot ng School naglaban ang Dalawa!
Palitan sila ng mga Atake! Magkabilang suntok ang ginawa ni Saber sa Eagle Haunter. Nasalag ng halimaw ang mga sumunod nyang mga Atake. Binawian sya nito. Gamit ang mga blade talons nito ay inatake nya si Saber! Nag-dodge si Saber, pagkatapos ay itinaas nya kanyang kanang kamay...
SABER: ARCHBLADE!
Lumitaw sa kanang kamay nya ang ARCHBLADE! Sinugod nya ang halimaw gamit nito pero, lumipad ito at mula sa ere ay tinira sya nito ng maraming matatalas na blades galing sa pakpak nito!
Eagle Haunter: etong sa'yo! GWAKAKAKAAK!
SABER: (sinangga ang mga Blades pero, tinamaan parin sya!)
FWAAAHH!!!
Eagle Haunter: (Lumipad palayo sa pinaglalabanan at iiwan ang Kalaban...)
SABER: HOY! Teka lang... (may tinawag sa kanya sa likod, si Ginji!)
Nanami: Naku, tatakas ang halimaw! Panu na yan?
Ginji: Saber! Gamitìn mo muna ang motor ko para habulin ang halimaw na yon..
(dahil sa sinabi ng kapatid ay naisipan ni Ginji na ipahiram ang motor nya..)
Saber: (nilapitan si Ginji..) salamat...
Nung sumakay si Saber sa motor ay biglang nagliwanag ang Archbuckler...!
Saber: Orthos! Ano nangyayari?
Tumama ang liwanag sa Motorsiklo ni Ginji at unti-unting Nagbago ng Anyo.
Ang kulay silver na Motor ni Ginji ay naging kulay pula na may Sungay ng isang Stagbettle ang harapan nito at nagkaroon ng mala-armor na bahagi iyon…
nang matapos ang transformation ng motor,
pinaandar nya ito para habulin ang halimaw.
Saber: Nice, ang Cool naman nito... Let's Go! Habulin na natin ang Halimaw!
At umalis na nga si Saber sakay ng Motor na iyon.
Naiwan at di pa rin makapaniwala si Ginji sa nangyari sa Motor nya, ganun din ang kanyang kapatid na si Nanami.
Samantala ang Eagle Haunter ay nagtungo sa siyudad para takasan si Saber.
Eagle Haunter: GWAKAAAAKAAKAK...! Di na ako maaabutan ng SABER na iyon!
Saber: Yan ang akala mo!
Ang di alam ng Halimaw Nasa likuran na pala nito si Saber!
Saktong sa may Fly-over napadaan ang halimaw, dun din dumaan si Saber. Nung magtungo sa isang malapit na Gusali ang Halimaw, pinatalon nya sa ang Motor. Mataas ang oaitalon nun! Para ba itong lumilipad!
Gamit ang ArchBlade ay sinaktuhan nyang hiwain ang isang pakpak ng Halimaw.
Eagle Haunter: (Habang pabagsak sa Kalye) GWAAAAAAK!!!
Nakalapag naman ng ligtas ang motor na sinasakyan nya.
Bumaba na siya sa Motor para tapusin na ang Laban.
Saber: At ang panapos na Atake... (Itinapat ang ArchBlade sa ArchBuckler, nagliwanag ito..)
Tumakbo papunta sa Halimaw at saka nito hiniwa gamit ang ArchBlade! Nahati sa Gitna ang Halimaw...
Eagle Haunter: HIIINNNNDIIII...!!!
At saka ito Sumabog...
Saber: haiz.. Tapos na din, sa wakas...
Orthos: Oo nga... Magaling, Saber!
Saber: salamat...
Dumating sina Nanami at Ginji, at nagbalik na ulit sya sa pagiging Randy.
Binati ni Nanami si Randy.
Nanami : buti at nailigtas mo ang school at mga ka-school mate natin, Randy.. ang Kakkoi mo talaga...
Randy : Hehe, Arigato.. Mii-chan.
(sabay tapik sa likod ni Ginji)Salamat pala sa motor mo, Ginji… laking tulong nun talaga..
May naisip na ideya si Nanami.
Nanami : Randy, Gusto mo sa’yo na lang yung Motor ni Kuya?
Ginji : Ano? Mii-chan, Hindi ako makakapayag nyan… bagong bili ko yun!!! Walang katulad yun sa buong mundo!
Nanami : (nilambing ang kuya nya) sige na Nii-san, Please… Niligtas naman nya tayo di ba? Saka makakabili ka pa naman ng ganun. mas maganda kung sya ang gagamit nun para mas marami pa syang matulungan na taong na sa panganib?
Ginji : TCH…!!! Sige na nga… (tumingin kay Randy) hoy kumag, iyo na yung motor ko… pasalamat ka na lang at nilambing ako ni Mii-chan kung hindi, mamamatay ka sa inggit sa akin dahil may maganda akong motor …!!! ( sabay talikod..)
Nanami : Honto Desu ka? (Sa English: Really?)
Arigato, Nii-san..!!!
Ginji : (habang nakatalikod) Oo, Mi-chan…
Randy : talaga Suplado? akin na lang yung motor mo? Pwera bawi na ha?
Ginji : iyong iyo na yan!
Randy : YESS!!! salamat KUUUUUYAAAAAAA!!!!
Ginji : Hmph! (kahit nahihiya ay...)
Salamat sa pagligtas mo sa amin.
Randy: Hehe, wala yon... Basta kayo ni mii-chan..
Ginji: Aba, loko 'tong...
Nanami : ang gulo nyo talaga... (natatawa kina Randy at Ginji)
Randy: O.K! Balik na tayo ng school...Nga pala, Libre mo kami mamya ng Lunch, Kuya..
Ginji: Ang Kulit mo, Wag mo akong tawaging Kuya!
At bumalik na sina Randy, Nanami at Ginji ng School nila...
Isa nanamang tagumpay ng ating Bayani na si Saber… ano pa kayang mga kalaban ang ipapadala nila Vladimir para harapin sya? Mapipigilan kaya sya sa susunod ng mga Entities?ABANGAN sa susunod na Henshin Saga : Saber!!!
=>NEXT EPISODE: "Injured Hero"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento