Sabado, Setyembre 24, 2011

HENSHIN SAGA: SABER - EPISODE 1: "Destiny! The HERO named SABER!"

OPENING THEME : "METAMOPHOSE" by JAM Project

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
 “Destiny is a name often given in retrospect to choices that had dramatic consequences.”
― J.K. Rowling


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Umaga ng ika-3 ng Hunyo...katatapos lang ng 19th b-day ng lalaki na ito kahapon at ngayong umaga ay ang unang pasok sa School. College na siya. Gumising sya ng maaga at medyo may hang-over pa sya dulot ng party sa kanila kagabi, pero ayos lang ito sa kanya. dali-daling nag-ayos siya para sa First day of school nya sa college. binaybay nya ang kahabaan ng kalye simula sa bahay nila papuntang eskwelahan, di naman ito kalayuan ito sa kanilang bahay.

Siya si Randy, 19 taong gulang. Ngayon ay Freshman sa isang college university sa isang distrito ng lungsod Quezon. 5’7’’ ang height nya, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. mahilig syang manuod ng palabas galing sa Japan na tinatawag na Tokusatsu. Yun ang libangan nya bukod pa sa paghahanap ng mga cute na babae, pagkain ng Ice Cream Drumstick at pagguhit.

Randy : (kinakanta ang theme song ng paborito nyang palabas pag primetime, ang Kamen Senshi Kurogane… ) Sayang kagabi, di ako nakapanuod ang Kamen Senshi Kurogane, Di ko tuloy nakita si Yuki-chan. Pero ok lang. buti na lang andun sina Jasmine at Aimee. ayos na rin kahit di ako nakapanuod ng Kamen Senshi Kurogane, Solb naman ako dahil nakausap ko sila…

Sa may dulo naman ng kalye.

Girl : ano bah! Layuan nyo nga ako!
Narinig iyon ni Randy, at nacurios syang malaman kung ano ang nangyayari.

Randy : huh? Ano kaya yun?
napansin nya ang grupo ng kabataan sa may isang gilid palabas ng kanto sa may compound nila. Sa tingin nya ay pawang mga estudyante sa papasukan nyang eskwelahan…

Siga 1: sige na miss… sumama ka na sa amin, hehehe… tyak namag-eenjoy ka sa amin…

Siga 2: Oo nga… Hakhakhak!!!

Girl : Bitiwan nyo nga ako…!!! Mga bastos!!!

May napansin syang dalawang kalalakihan na may pinagtitripan na isang babae…

Randy : ayos din ang mga ito, ang aga-aga… nang gugulo…

Patakbo niyang tinungo para pigilan ang ginagawa ng mga ito…

Randy : Hoy!! Bitiwan nyo sya! (sabay suntok sa mukha ng isang lalaki)

Siga 1 : ang sakit nun ah… tingnan mo itong kumag na ito , pinakikialaman tayo ‘tol..

Siga 2 : upakan na natin yan!!!

Siga 1 : Mabuti pa nga, para makita nya kung sino ang binabangga nya…

Randy : ang aga-aga ng pagtitrip nyo ea … saka wala ba kayong mapiling iba? Ako, pwede akong makipagtrip sa inyo! (tumingin sa babae) Miss, umalis ka na dito, mamya ko na lang hihingin ang thank you mo, tumakas ka na…

Girl : ah eh… Sige... (dahan-dahang naglakad palayo…)

Randy : (nakangiti na bumaling sa dalawang siga) handa na akong makipaglaro sa inyong dalawang kalbo…

Nagalit sa narinig ang dalawang lalaki.

Siga 1 : aba’t loko ito ah, (sinugod sya ng dalawa…)

Umilag si Randy sa suntok ng isa at sinipa nya palayo ang isa pa. sasapakin sya sana ng isang lalaki pero kinounter nya ito gamit ang isang "round house kick".

Siga 1: Arghh..! (natumba sa sahig)

Randy : hehe, c'mon...! :D

Siga 2 : ah ganun... (kumuha ng patalim)

Randy: Woah... Pandaraya na yan ah, pero...Sige lang.. Sugod!!!

Siga 2 : (sinugod nya ito gamit ang patalim na dala)

Madaling nailagan ni Randy ang mga atake ng Kalaban. Hinuli nya ang kamay na may hawak na patalim, Ginamitan nya ito ng karate move na "Backflip".

Parehas pinatumba at nakahiga sa kalsada ang dalawang loko.

Siga 1 : aray... Sakit ng katawan ko tol.. Eskapo na tayo, baka magulpi pa tayo ng todo.

Siga 2: Mabuti pa nga.
Hoy! Di pa tayo tapos, babawian ka namin!

Randy: Welcome kayo palagi... Salamat sa maagang exercise! :P

Umalis na ang dalawang lalaki. Ngunit biglang nagliwanag ang paligid nya. Sa sobrang liwanag ay pinikit nya ang mga mata nya. Pagkamulat na lang nya ay nagulat sya na nakalutang na sya sa ere. At napakadilim ng paligid.

Randy : Teka, ano ito? Napakadilim naman, wala akong makita…
Luminga-linga sya sa paligid nya. Sa isang bahagi ng lugar nay un ay may nakita sya ang isang bola ng liwanag... papunta ito sa kanya... palaki ng palaki. nagulat sya sa nangyayari, di nya maigalaw ang kanyang katawan.
...palapit na ito sa kanya...

? : Randy, kahanga-hanga ang pinakita mong katapangan. wala kang alinlangan na ibubuwis ang buhay para mailigtas ang sinuman… isang katangian na hinahanap ko na ng matagal…

Isang boses ng nilalang na di nya mawari kung ano ang narinignya. unti unting lumapit ito sa kanya, nakita nya ang isang nilalang. Mala-insekto na tulad sa tipaklong ang itsura nito. Naglakas loob syang magsalita at tanungin ito…

Randy: S-Sino ka? At asan ako?

Tanong nya sa nilalang… sumagot naman ito at ipinakilalaang kanyang sarili.

Orthos : ako si Orthos. Andito ako para sabihin ang isang mahalagang bagay. Wala nang nalalabing oras Randy, ikaw lang kailangan ng mundo nyo! tanggapin mo ang kapangyarihan na susupil sa kadiliman… ang tanging makakatalo sa mga Entities...

Randy : you mean parang isang super hero, katulad ni Kamen Senshi Kurogane?

Itinuro ni Ortho ang isang daliri nya sa may beywang ni Randy at may likido na kulay pilak na unti-unting naging bola ang biglang lumitaw at nagtungo dito.

Randy : woi, sandal lang!!! anong gagawin mo?!!! AHHHHHHHH!!!!!!!!!!

Nagliwanag ito at naging isang bakal sinturon ang hugis… may dilaw at pulang kristal ito sa gitna at may mga nakaukit sa paligid ng mga ito. Bigla itong nagliwanag!

Randy : ang cool naman nito, katulad lang nung suot ni Koichi-san! (Kurogane)

Orthos: yan ang ArchBuckler, ang simbolo na ikaw ay ganap nang tagapagtaggol ng planeta nyo. Nagliliwanag ito dahil nagagalak ang ArchBuckler na makilala ang bago nyang tagapag-may ari. nagtataka ka siguro kung bakit at ano ang dahilan kung bakit yan ibinigay sa’yo? Manganganib ang sangkatauhan sa oras na dumating ang mga Entities, kailangang mapigilan sila sa mgabinabalak nila. Ilang araw mula ngayon ay magpapakita na sila! Randy, ikaw ang pag-asa ng sangkatauhan!!!

Unti unting naglalaho at naging isang kwintas na ginto na may brilyante sa Gitna ang Pendant nito. Sunod nun ay unti unting naglalaho si Orthos ….

Randy : Hoy, Orthos teka lang! san ka pupunta?!!! Hintay, paanogamitin ito at Bakit naging kwintas ito..?

Orthos : para madali mo syang magamit sa oras ng panganib, ingatan mo yan… hanggang sa muli….

Nawalan sya ng malay at nang nagising at nasa bahay na pala siya. Nakita nya ang isang pamilyar na mukha na nakatingin sa kanya.

? : sa wakas, nagising ka ring damuho ka... Grabe ka, natutulog ka sa kalsada, hahahaha!!! Hinahanap ka na ng prof mo...!

Ang nakakatandang kapatid nya palang si Rina ang nasa harapan nya.

Randy: A-Ate? Teka, bakit ako nandito? Papasok na ako ng school ah… ano ba nangyari?

Rina : dapat nga pasalamatan mo pa ako, nung papasok na ako nakita kitang nakahiga sa Kalye. Nagsasalita ng ka habang natutulog. Hihihi...

Randy : si Ate naman eh... nung isang araw? Anong petsa na ba ngayon?

Rina : sira! miyerkules na kaya ngayon, nung Lunes ka pa Tulog!Akala nga namin di ka na magigising eh..

Samantala…

Lingid sa kaalaman ni Randy ay nangyayari na ang sinabi sa kanya ni Orthos , mula sa kadiliman ay nagsilabas ang dalawang na nilalang.

Ang una ay babaeng may angking kagandahan. ang ulo nito ay may mga ahas.

Ang pangalawa at panghuli ay isang nilalang na may pakpak at may matatalas na pangil…

Parehas nagpalit anyo ang mga ito bilang mga tao.

Ang unang halimaw ay si Reptiless. Magandang babae pero ang itsura ng katawan nito ay ihawig sa isang ahas.

Ang pangalawa at panghuli ay si Vladimir, isang nilalang na kahawig ng isang paniki.

Unang nagsalita si Reptiless...

REPTILESS: Masaydong Masikip ang Lugar na pinagkulungan sa atin parang gurang na pakiramdam ko…

VLADIMIR: matagal na rin mula na nung nakulong tayo,
maitutuloy na rin natin ang paghahanap sa VESSEL at sa pagwasak ng buong mundo!!!

Sila ang nabanggit ni Orthos kay Randy. Ang mga ENTITIES, mga masamang elemento na Nabubuhay sa Dilim…

Balik sa kwarto ni Randy, naguusap pa rin silang dalawang magkapatid…
Randy: nga pala Ate, Gutom na ako. May hapunan na ba? Hehe…

Rina : Nagluto ako ng Tinolang Manok. Bumangon ka na dyan nang makakain ka na...

Randy: ayos! Bait talaga ni Ate...

Rina: Bolero ka talaga!

At bumaba na ang magkapatid at sabay na naghapunan.

Kinabukasan, ayos na ang pakiramdam ni Randy. papasok na siya sa isang building sa campus nila.

Randy: (sa isip nya, habang hawak ang kwintas...) “Paano ko kaya na magagamit itong bagay na bigay ni Orthos?”

iniisip niya pa rin kung paano niya magagamit ang kapangyarihan ng bagay na ibinigay sa kanya ni Orthos nangmakita siya ng isang babae, isang Faculty Staff sa Eskwelahang yun.

Siya si Ms. Dyna Cervantes, 25 years old, isa sa mga English subject professor sa eskwelahang yun. Sya ang adviser ng Klase sa room E-207. tinawag sya nito.

Ms. Cervantes: hey, sang room ka mister.?

Randy: (nasurprise, maganda s mam eh) ah eh, dito po sa RoomE-207 po…

Ms. Cervantes: Ah ganun ba? By the way I’m Ms. Dyna Cervantes, Adviser ng students sa Room na ito. Ikaw ata si Randy Gomez, tama ba ako? teka lang at dito ka muna sa labas…

Pumasok na si Ms. Cervantes sa Silid at may sinabi sa Klase niya. Nagtaka si Randy.

Randy: bakit kaya???

Sa loob ng klase…

Ms. Cervantes : all right Class, meron nga pala kayong kaklase na humabol sa umpisa ng schoolyear, due to unknown reason… anyway, eto na siya at ipapakilala nya ang sarili nya. (sumenyas kay Randy) Pumasok ka na, go on, introduce yourself …
Randy: yes ma'am, thank you… Ehem, ako nga pala si Randy Gomez, 19 years old. nagtapos ako sa mataas na paaralan ng DENcio Osmeña High School. Nagagalak akong maging kaklase kayo.

Ms. Cervantes : all right, sige maupo ka na sa isang upuan malapit sa may window.

Randy: Yes, Ma’am.. thank you po…

Ms. Cervantes : your Welcome, (sabay baling sa klase) All right umpisahan na natin ang first subject this morning. punta na tayo sa pinagusapan natin last meeting ….

Mabilis lumipas ang buong araw ni Randy eskuwelahan. Kinahapunan, ay Pababa na siya ng hallway nang Nakita sya ni Keith, ang kababata nya tinapik sa likod.

Keith : Wui! Dude, musta ang first day?

Randy: (nabigla) ikaw pala yan! hahahaha!!! Ang saya, dude… ang ganda kasi ng adviser namin!May assignment na nga kaagad kami eh.

Nagkakagulo na sa loob ng campus nila, tiningnan nila ang dahilan ng kaguluhan nang biglang…

*KA-BLAM!!!!!*

may sumabog, isa sa mga nakaparadang kotse sa Parking lot ang pinasabog. At sa may kalayuan ay may isang nilalang… armado ito ng talim na parang karit. Ito ay isang Haunter ang Halimaw na nilikha ng mga Entities. Nagtakbuhan ang ibang mga estudyante dahil sa pagsabog na yun…

Ms. Cervantes : ano kaya yun? Parang may sumabog. (tinawag ang isang estudyante) ano bang nangyayari?

Student : may halimaw po sa loob ng campus natin. Nakakatakot ang itsura...

Ms. Cervantes : Diyos ko… (nagdasal…)

sa paghahanap nila Nakita rin nila Randy at Keith ang dahilan ng pagsabog na iyon...

Keith : Ano yan? Isang Halimaw?!!

Randy: Oo... san kaya galing yan?

Mantis Haunter: GIRIGIRIGISSHHHH!!! Sige, matakot kayo!!! Ang takot mo ang kailangan para lalo akong lumakas!!!

Inatake ang babaeng estudyante gamit ng Scythes nito. Tinamaan ang isa sa mga babae sa binti pero mabilis itong tinulungan ng mga kasama nito at nakatakbo palayo.

Nakita nila Keith ang ginawa ng Halimaw.

Keith: ano gagawin natin Randy?

Randy: tumakbo nalang muna tayo papuntang school ground…
Tinungo nila ang school ground ng campus. Luminga-linga sya sa paligid nun sa di kalayuan ay may nakita syang piraso ng kahoy. May naisip na paraan si Keith.

Keith : alam ko na! makakatulong ito dude!

Randy: teka anong gagawin mo jan?

Keith: baka makatulong ito? (pinulot at iniabot kay Randy ang kahoy.)

Randy: parang kahit langaw di nito tatamaan dude!

Keith : basta subukan mo nalang

Randy : Bahala na nga…

(sinugod ang halimaw gamit ang kahoy)

*KRAK!!!!*

Nabali ang Kahoy…

Mantis Haunter: GIRISSHHHGIRI…. Sa tingin mo ba gagana sa akijn ang ganyang kalampang atake? (gumanti ng isang malakas na bigwas sa katawan nya ang halimaw…)

Randy: AAAAHHHH!!! (nasaktan sa sakit na dulot ng bigwas at sya ay tumalsik palayo…)

Keith : Dude!!!

Mantis Haunter: GIRISSHH…GIRISHHHH… mahina pa yan. pero, Sa susunod kong atake, kikitilan na kita ng buhay! GIRISHHHHH!!!!!

Sinugod sya nito gamit ang mga patalim sa kamay nya…

Randy: Katapusan ko na… (humawak sa kwintas na suot nya sabay pinikit ang mata)

Keith : ayan na sya Dude, tumakbo ka na…!!!

Biglang nagbago ng Anyo ang Kuwintas at naging Archbuckler ito at bumalot ito sa kanyang beywang. Biglang bamagal ang oras…

Orthos: Randy, gamitin mo na ang kapangyarihan ng ArchBuckler!

Nagulat sya dahil nagsasalita ang suot nyang buckler.

Randy: t-teka, Orthos? Ikaw ba yan? Bakit parang nasa loob ka ng Archbuckler?

Orthos: Oo, ako ang nilalang sa loob ng Archbucker. Ngayon na, magpalit Anyo ka at isigaw mo ang TRANSFORM! SABRE MODE!

Randy : Sige, (naghanda sya at sinambit ang…) TRANSFORM! SABRE MODE!

kumislap ang Brilyante sa gitna ng ArchBuckler at ito ay nagliwanag… nagpalit sya ng anyo, ang kanyang katawan ay nabalutan ng suit na may kulay Itim, Ginto at Pula samantalang parang hawig sa isang Stag Bettle ang itsura ng kanyang Ulo…

Saber: whoa…….? Ang astig! Pwede ko na bang i-try para Makita ko ang nagagawa nito?

Orthos : ngayon… ikaw na si SABER.. gawin mo ang lahat para matalo sya… (sabay bumalik uli sa dati ang daloy ng oras…)

Keith: Huh?? Sino naman ito? At asan na si Randy?

Saber: Keith, ako ito, si Randy!

Keith: what??? Bakit ganyan ang itsura mo? San galing yang costume mo na yan dude? (sabay kuha ng cellphone nya at ivinideo ang nakikita nya…) iipopost ko ang mga pics mo habang suot mo yan sa F.B dude!

Saber: hoy… ! teka lang! mamya ko na lang iki-kwento sa’yo kung san galing ito… dun ka muna sandali, panoorin mo ako habang tinatapos ko ang halimaw na ito..!!! dun ka muna sa malayo!

Keith : No problem dude! (takbo palayo sa lugar nay un at pinagpatuloy ang pagkuha ng video…) ang astig nito…!!

Mantis Haunter: Hindi ito Maaari! Ang maalamat na si Saber ang nasa Harapan ko!GIRISHHH-GIRISHHHHHH!!! Pero, ito na ang katapusan mo! GIIRISSHHH!!!

Saber: HAH! Tingnan natin kung kaya mo! Uunahan na kita! (pasuntok nyang sinugod nya ang Halimaw…)

Tinamaan nya sa mukha ang halimaw… pero parang bale wala lang ito dito…

Mantis Haunter: GIRISSHHHH!!!!

Sabre: ah ganun ha…eto pa! (sinipa naman nya ito sa mukha…)

Mantis Haunter : GIRIGRIGRISSHHHH!!!
Biglang…

Orthos : mukhang walang epekto ang mgaatake mo. Itaas mo ng bahagya ang kamay mo at Isigaw mo ang “ARCHBLADE” , yan ang gamitin mo para atakihin sya….

SABER : OK, sige..
(Ginawa nya ang sinabi sa kanya ni Orthos. Itinaas nya ng bahagya ang kanyang kamay at sinabi ang…)

Saber : ARCHBLADE!!!
Lumitaw ang isang espada sa kamay nya…

Saber : whoa… cool… ito pala yun…! Yari ka ngayon sa akin!

Inatake ang halimaw gamit nito…

Saber : etong sa’yo! Um!

Gamit ang hawak nya ARCHBLADE, Pinutol nya ang dalawang braso nito at sinabayan pa nya ng isang sipa…. Tumalsik ito sa malayo…

Mantis Haunter : GIRISHHHHI….. AKKKKKKKKKKK!!!!
Lubhang nasaktan ang Halimaw, nanghihina na ito. Muling may sinabi si Orthos.

Orthos : ngayon na, Tapusin mo na sya!!!

Saber : p-paano???

Orthos: para magamit ang Special Attack ng SABER MODE, itapat mo ang Gem ng ArchBlade sa dilaw na brilyante sa gitna ng ArchBuckler, lahat ng Power ng ArchGem ay mapupunta sa Gem ng Archblde, magagawa mo ang SABER FINAL SLASH!

Sabre: ganun ba? Ma-try nga! (itinapat sa dilaw na Gem ang Gem ng ArchBlade)

Nagliwanag ang ArchBuckler at napunta liwanag na iyon sa ArchBlade.

Mantis Haunter: GIRIGIRISHHHHH…. (naghahandang sabayan ang atake ni Sabre…)

Sabre: SABER FINAL SLASH... HYAHHHH!!!!!!!!!!

Mala Kidlat ang nilikhang pwersa ng ArchSaber, Nadurog ang bawat matamaan nito at tumama ito sa halimaw.

Mantis Haunter: ANo? Hindi ito maari!!! GIRISHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH……!!!!

Dahil sa Tinaman ito, nahati ito sa gitna at ito ay sumabog.

Orthos : magaling… sa mga susunod na mga laban, ituturo ko pa sa iyo ang ibang nagagawa ng Archbuckler… hawakan mo ang dilaw na brilyante ng ArchBuckler para bumalik ka na sa dati.

Ginawa nga ni Randy ang Button sinabi ni Orthos at bumalik sya sa dati at naging kwintas ulit ang Archbuckler..

Keith: Ang tindi nun pre…!!!

Randy: Sa wakas at natapos din… Nakita mo ba yun Dude?

Keith: napanuod at nakunan ko lahat… sisikat ka nito, ipopost ko sa F.B ang video na nacapture ko, bilib na ko sa‘yo!

Randy: woi… wag naman, mahirap nang maging sikat… hahahahahaha!!!!

Sa loob ng Brilyante ng Pendant ay pinanunuod sya ni Orthos… bumilib ito sa binata at sa pinakita nitong tapang…

Orthos: hindi ako nagkamali sa pagpili ko sa’yo Randy, ikaw ang pag-asa ng Mundong ito…

Samantala, Di Nasisiyahan si Vladimir sa nangyari…

Vladimir: di ko akalain na pati ang mandirigmang si SABER ay nagbalik! Sa susunod hindi na ako papayag na ganito uli kakahantungan!!! HAAAHHHHH!!!!!

Reptiless : gusto mo bang nakilala ang bago nating kampon, Lord Vladimir?

Vladimir : siguraduhin mo lang na di yan katulad nung nauna!

Reptiless : Sigurado po ako…lumabas ka na, Eagle Haunter!!!!
Isa nanamang bagong Haunter ang nilikha nina Vladimir…
wangis ito sa isang agila… may matalas na Talons at pakpak na gawa sa matatalim na Feathers na animoy mga Katana ang mga ito…!

Eagle Haunter : opo, Lord Vladimir, Masisiyahan po akongTapusin ang tampalasang Saber na yun…

Reptiless : ano po ang masasabi mo Lord Vladimir?

Vladimir : Hmm... Kahanga-hanga. sige, simulan mo na ang pagkuha ng TAKOT ng mga tao!

Eagle Haunter : (binuka ang dalawang pakpak at bahagyang lumipad ng mataas..) masusunod Panginoon! AAAWWKKKKKK!!!! (tinungo na nito ang lungsod para simulan ang panggugulo…)

Isang bagong Haunter? Ano naman kaya ang gagawin ng Hero nating si Saber Para magapi ang Halimaw na ito, at ano pa ang kayang gawin ng ArchBuckler na sinabi sa kanya ni Orthos?

ABANGAN sa susunod na kabanata ng Henshin Saga: Saber!!!

=>Next Episode: The Cute Transferee!

1 komento: