OPENING THEME : "METAMORPHOSE" by JAM Project |
(Ang Nakaraan sa Henshin Saga: Saber...
Sa di inaasahang pagkakataon, natanggap ng isang lalaki na nagngangalang Randy ang Archbuckler, ang makapangyarihang Sandata mula sa isang Mahiwagang Nilalang na si Orthos. Gamit nito ay nagpalit anyo sya bilang si Saber, ang Maalamat na Mandirigma upang magapi nya ang Sumalakay na Mantis Haunter sa Eswelahan nila. Ang Halimaw na ito ay nilikha ng mga nilalang mula sa kadiliman, ang mga Entities. Dahil sa Bigo ang unang Pagsalakay, Minabuti nila Vladimir na magpadala ng isa pang Haunter upang tugisin ang Taong may hawak ng Archbuckler…)
Gabi na nang nakauwi sina Randy at Keith galling sa School nila, ti-next ni Randy ang kanyang Ate na kina Kieth na siya magpapalipas ng Gabi. Pinayagan naman siya nito pero dapat ay maaga syang uuwi bukas ng maaga sa kanila galing sa eskwelahan nila. naisipang magpadeliver nalang ng pizza ni Keith para makapaghapunan sila. Very close silang dalawa kasi simula nung elementary ay magkaibigan na sila. Habang kumakain ng pizza ay naisip na itinanong ni Keith kay Randy kung paano ba talaga siya nagkaroon ng Kapangyarihan na iyon.
Randy : ah yun ba? Kasi nung papasok na ako ng eskwelahan nung lunes, May nakita akong pinagsasamantalahang babae ng dalawang Kalbong siga. Tinulungan ko sya siyempre, alam mo naman ang friend mo.
Keith : so niligtas mo yung babae then binigay nya sayo yan?
Randy : hindi, ang totoo.. umhhh, wag kang magugulat ha? Pero bigay sa akin ng isang “Alien” ang kapangyarihan ko.
Keith : Alien? Nagpapatawa ka ba? Walang Alien Dude!
Randy : hindi pa ako tapos! Di ba nga nailigtas ko yung Chix, nagliwanag ang paligid. Nakakasilaw. Pinikit ko ang mata ko. Pagmulat ko, nagulat ako nang may Alien na nakatayo sa harapan ko. Dahil daw sa matapang ako, binigay nya sa akin itong kwintas na ito. At dun ko natanggap yung powers ko. Bigay ng isang alien. Ang weird nga dude pro yun ang totoo..
Keith : weh, yun ba talaga yun? baka matagal nang nasa iyo yan at nabili mo yan sa Quiapo? Kasi, Di ba nagiging belt with Lights yan? Hahahahaha!!!
Randy: ugok! Kung ayaw mo maniwala, bahala ka… (sabay subo ng Pizza)
Keith : Hahahahaha!!! (sabay subo din ng pizza)
Nagpatuloy sa pizza ang magkaibigan.
Samantala ang bagong Haunter na pinadala nina Vladimir ay inuumpisahan nang maghasik ng gulo sa siyudad.
Eagle Haunter : tamang tama ang lugar na ito… napakaramingpwedeng biktimahin! Ayun ang isa!
Nakakita ito ng isa, pawang empleyado sa isang opisina, nang titingin ito sa oras sa digital clock sa isang building, napasigaw ito sa nakita.
Lalaki : Halimaw!!!
Mula sa ere ay sinugod sya nito.
Eagle Haunter : AAAAAWWWWKKKKKK!!!!
dinagit nito ang kanyang biktima at inililipad ng mataas, ginilitan ang leeg at saka ibabagsak sa kalsada na naging dahilan upang magkabuhol buhol ang trapiko.ilang sandali lang ay Rumesponde na ang operatiba para imbestigahan ang crime scene. Kabilang dito ay si
Insp. Stephen Jacinto.
Insp. Stephen : (habang tinitingnan ang labing biktima) “Kakaiba ang uri ng pagpatay dito sa biktima, masyadong brutal, may kinalaman din kaya ang gumawa nito sa halimaw na sumalakay dun sa isang College university?”
Police Officer : sir, nakita naming ito sa katawan ng biktima. (inabot kay Stephen ang isang matalas na bagay)
Insp. Stephen : Hmm, kutsilyo? Pero iba ang hugis… parang balahibo ng ibon..
Police Officer : nakita po namin yan malapit sa biktima… may sugat din po sa may balikat ang biktima.
Insp. Stephen : sandali, ibig sabihin lumilipad ang pumatay sa Biktima.
Officer, pwede mo bang ituro sa akin ang sugat ng biktima?
Officer: ito po Inspector (pinakita ang sugat…)
Tama siya, nakita nya na kinalmot gamit ng tatlong matalas na Talons ang balikat ngbiktima. Nakakalipad nga ang halimaw na gumawa nun.
Insp. Stephen : sabi ko na.. di ako nagkakamali…!
Sa bahay naman nla Keith… nasa kwarto na sila, nasa harap ng monitor si Randy at naglalarong Kombat Fighter, isa sa favorite na laro nilang dalawa. Si Keith naman ay may tina-typena Document sa laptop nya.
Keith : (nag ta type, tutok na tutok..) hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko, isang matapang na nilalang ang tumalong sa….. (tumigil at nagulat sya ng tawagin sya ni Randy..)
Randy : hoy, ano yan? (tumayo para Makita ang ginagawa ni Keith) Patingin nga…
Keith : (si-nave at dali-daling shinut-down ang laptop) wala dude… tinitingnan ko lang yung mga files na bagong salin sa laptop ko. Hehehe…
Randy : Bakit mo shinut down yung laptop mo?
Keith : (humikab) *yawn* (tinungo at humiga sa may kama) tulog na tayo dude.. may pasok pa tayo bukas eh.
Randy : damot naman nito, sige na nga… tulog na tayo. (Kinuhaang unan at humiga sa may sahig) sige, tulog na tayo…
Kinaumagahan, naunang nagising si Keith. Binuksan nya ang Radyo, Gawain nya ito kada umaga na buksan ang radio para making ng balita at malaman ang saktong oras, dali-daling syang tumungo sa kwarto nya dahil sa balitang narinig nya.
Keith: Randy, Gising! Pakinggan mo yung balita sa Radyo.
Randy : ano ba Dude. Ang aga aga pa… balita?
Keith : oo, halika dito…
Bumangon si Randy at sinundan si Keith papunta sa Sala nila.. pinakinggan nilang dalawa ang balita sa Radyo.
Reporter : isang di pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay kagabi sa gitna ng Northern Highway. ayon sa mga police, isang halimaw daw di umano ang may kagagawan nito. Dagdag pa nila, ang halimaw daw na may gawa ng krimen na ito at ang isa na sumalakay sa isang college university kahapon ay konektado sa isa pang di nakikilalang mga nilalang.
Kieth : ano balak mo ngayon dude?
Randy : Naloko na… sila nanaman!!!
Sa Lugar ng mga Entities, pinuri ni Vladimir ang nilikhang Haunter ni Reptiless…
Vladimir : napaka galing ng Haunter na pinasalakay mo Reptiless! HAHAHAHAHAHA!!! Utusan mo ang bagong Haunter na dagdagan pa ang mga kinikitilan nya ng buhay!!!
Reptiles : opo, Lord Vladimir… tyak na ang tagumpay nating mga Entities! (sa isip nya) SABER, ikaw na ang susunod!!!
papasok na ng Eskwelahan sina Randy at Keith. Sa may Gate ng Campus, habang naglalakad sila ay may nakitang magandang motorsiklong nakaparada sa may parking lot ng eskwelahan. Nilapitan nilang dalawa ito.
Keith : Whoa… ang ganda naman nito… bagong modelo baito ng YAHAMA?
Randy : tanga! Tingnan mo, Dacuti yan Dude!
Napansin sila ng lalaking nakuposa may waiting shed, sya ang may-ari ng motorsiklo…
Owner : Mga Pre lumayo layo nga kayo sa motor ko. Bagong bili yan… baka magasgasan!
Di nagustuhan ni Randy ang Asalng Lalaki kaya Sinagot ito ni Randy.
Randy: ah sa’yo ba ito? ! parang ang ganda ng motor mo…! Ang Akala nga namin sa nagdedeliverng LPG ito, ha ha ha ha ha ha!!!
Owner : bakit may Motor ka ba kaya nagsasalita ka ng ganyan?
Bago pa magkaupakan ay Inawat na ni Keith si Randy…
Kieth : (hinawakan si Randy sa balikat) oi dude tama na… ayaw ko ng gulo, baka mapasama ako pag naggulpihan kayo… (sabay baling sa May ari ng Motor) pasensya ka na, tinitingnan lang naman naming yung motor mo…
Tumunog ang Bell ng eskwelahan… narinig nila ito…
Owner : Umalis na nga kayo mga tukmol!
Keith: (inaya na si Randy) Tara na dude, total oras na rin ng Klase..
Randy : Pasalamat ka at inawat ako, kundi gulpi ka sa akin!
Keith : (inawat si Randy) tama na… halika na at malelate na tayo…
Nagmadali silang nagpunta sa kani-kanilang mga classroom, maguumpisa na sana ang Klase nila Randy nang bigla itong maantala nang…
Ms.Cervantes : Class I would like you to introduce your new Classmate, Isa syang transferee mula sa Japan.
May naghiyawan at natuwa… may isang nagtanong.
Female Student 1: ma’am nakakaintindi ba sya ng tagalong? Baka mahirapan siyang intindihin ang mga sinasabi at pinaguusapan namin?
Ms.Cervantes : Don’t worry class, marunong sya mag-tagalog. Pwede kayong makipagkwentuhan sa kanya pero mamyang pagkatapos na ngklase, Ok?
CLASS : YESS MA’AM!!!
Pinapasok na ni Ms.Dyna sa room ang isang babae, Humarap ito sa mga kaklase niya at naghandang ipakilala ang kanyang sarili. Nakita ito ni Randy at sya natulala, bakit nga ba hindi? Cute ito, mahaba ang buhok at kahawig nya si Suzuka Morita. Tyak ang lahat ng lalaki sa klase nila ay nakatingin din sa kanya ngayon…
Ms. Cervantes : sige na iha..
Nanami : Ohayo, Minna-san… ("magandang umaga" sa Japanese) ako nga pala si Nanami Uchida, galing ako sa Fuyukushi High School sa Saitama, Japan. Sa ngayon ay 17 years old pa lang ako and turning eighteen years old sa susunod na Biyernes…
Male Student 1 : birthday mo sa susunod na Friday, so Invited bakaming lahat?
Humirit pa ang isa,
Male Student 2 : oo nga,
Nanami. Invited ba kaming lahat?
Nanami : Yup, invited kayong lahat.. pati na rin si Ms.Dyna.
Randy : (habang nakatitig kay Nanami) ang cute naman nya, kahawig nya si Suzuka Morita ...
Ang hindi nya alam, nakatingin sa kanya ang buong klase… saka nagtawanan ang lhat…
Female Student 2 : uuyyyyy… may isa kaagad na nabiktima ng ka-cute an si Nanami..
lFemale Student 3 : Ui, Randy baka matunaw yan sa pagkakatitig mo. Hahahaha!!!
Randy : (natauhan) ha? H-hindi ah! (nag-blush)
Palihim na natuwa si Nanami kay Randy.
Ms. Cervantes : (tumingin sa may bandang likuran, may nakitang bakanteng upuan sa tabi ni Randy…) Ah, Nanami, dun ka na lang sa may upuan sa tabi nung “Tagahanga” mo… (sabay ngumiti..)
Nanami : (nagblush) yes ma’am…
Nang marinig ni Randy yun ay hindi sya mapakali, hindi nya alam kungano ang gagawin... Tinungo na ni Nanami ang upuan na binanggit ni Ms.Dyna.. kunti na lang at malapit na sya bakanteng upuan.
Nang nakaupo si Nanami, nagsalita ito ng…
Nanami : hi. .Randy pala ang name mo? Nakakatuwa ka kanina (binigyan ng kay tamis nangiti ang Binata)
Randy : Ah eh, talaga… (Blushing) First time ko kasi makakita ng tulad mong Haponesa na nakakapagsalita ng Fluent na Tagalog…
Nanami: Ah ganun pala... Nice meeting you, Randy. (sabay ngiti nang matamis kay Randy)
Randy: Ako din, ikinagagalak kitang makatabi este makilala..
Nanami: Palabiro ka pala talaga... (natawa)
At natigil ang paguusap nila nangnagumpisa na ang First Period nila, nag discuss ng bagong lesson si ms.cervantes sa klase nya. May recitation halos nasagot ni Nanami yung ibang tanong ni Ms.cervantes. Sa mga sumunod na subject ay nagkaroon ng quiz kaya naging busy sina Randy at Nanami.habang lumilipas ang buong araw ay nagiging mas malapit sina Randy at nanami sa isa’t isa.
Ang buong maghapon sa eskwelahan ay Masaya para kay Randy dahil nakilala nya si Nanami. Last Period, Pauwi na sina Randy at Nanami. Nasa Computer Lab nang may sabihin ulit si Randy kay Nanami. Kahit nahihiya, pinilit nya.
Randy : umm, nanami, pwede ko ba malaman ang Cellphone No. mo? Para kahit na di tayo magkasama ay makakapagusap tayo?
Nanami : Sure.. akin na ang Cp mo ako ang magsesave...
Kinuha na kaagad ni Randy ang cp nya at binigay kay Nanami,. Kinuha naman ni nanami at itinayp ang kanyang no.at si-nave gamit ang pngalang, “Mii-chan”.
Nanami : ayan, pakilala ka pag nagtext ka ha?
Randy : thanks! (kinuha ang cp nya) Wow.. ang Cute din ng nickname niya… Mii-chan ( tinext nya ang celfone no. na sinave ni Nanami )
Tumunog ang cp ni Nanami…
Nanami : teka lang ha may nagtext sa akin… (binasa ang msg at natawa ito sa nakita)
ikaw ha… magkasama pa naman tayo ah? Magtetxt ka pa wala naming laman… hahahaha..
Randy : ayan na yung No. ko… isave mo ha?
Nanami : (isinave ang no ni Randy at pinangalanan itong “Randy”) ayan, sinave ko na…
Tapos na ang Last Period nila, lumabas na sila ng Computer Room. nagtungo na sila sa School Ground ng Campus nila.
May tumawag kay Nanami mula sa Likuran, parating ang isang Motor sakay nito ang isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket at Slocks. Tumigil ito sa harap ni Nanami.
Lalaki : Mii-chan, bakit kasama mo yang tao na yan?
Ang Lalaking iyon ay ang May ari ng Motor na nakasagutan nila Randy kanina sa Parking Lot. Nakita ito ni Randy, humarang sya sa pagitan ng dalawa.
Randy : hoy Suplado! Wag mo ngang matawag tawag si Nanami na Mii-chan.
Teka, sino ka ba?
Nanami : ah Randy, pakilala ko sa ‘yo ang Kuya Ginji ko. Kuya, si Randy nga pala, Kaklase ko.
Ginki: Nanda?!! kaklase mo itong lalaking ito?
Nanami : Hai! (sabay tingin kay Randy) teka, paano pala kayo nagkakilalang dalawa ni Kuya?
Randy : sinupladuhan nya kami ng kaibigan ko kanina sa parking lot, tinitingnan lang naman namin yun motor nya. Teka, K-kuya mo ba talaga itong si Suplado?
Parang di kapani-paniwala dahil magkaiba kayo ng ugali.
Nanami : (kay Randy) Oo…siya si Kuya Ginji, dito sya nagaaral at Mechanical Engineer ang Course nya.
Ginji Uchida, kasing edad siya ni Randy. Isang 1st Year Mechanical Engineer. Di pa rin makapaniwala si Randy na Kuya ni nanami ang Supladong nasa harapan nya. Niyaya na ni Ginji si Nanami na umuwi.
Ginji : tara na Mii-chan, umuwi na tayo, baka mapagalitan pa tayo ni mama.
Nanami : teka lang kuya, (bumaling kay Randy) sige ha, magtawagan na lang tayo.. uuwi na kasi kami ni Kuya Gin. Bye,Randy... (sabay sinuot ang Helmet at Sumakay na sa motor ng kuya Ginji nya…)
Nagpaalam na rin si Randy sa Kanya…
Randy : Bye.. ok, text na lang kita mamya, ingats kayo ni Kuya…
Ginji : Kuya ka dyan! (sabay pinaandar at pinatakbo ng mabilis paalis ang motor)
Habang nasa Biyahe sila Nanami ay sakto rin na naghahanap ng mabibiktima ang Haunter na pinadala nina
Vladimir. Mula sa ere ay Nakita sila nito…
Eagle Haunter : AWKKKAKKKAKKK!!!! Ang swerte ko talaga… may dalawang nakasakay sa Motor na yun... (sinugod ang Motor na Sakay nila Ginji)
Nakita ni Ginji sa side mirror ng motor nya ang pasugod na Halimaw.
Ginji : ano yung lumilipad na yun? (pinabilis ang takbo ng Motor…)
Nanami : bakit kuya?
Ginji : may sumusunod sa atin… kumapit ka lang ha?
Nanami : (tumingin sa likuran at nakita nya ang Halimaw na lumilipad saka kumapit ng mahigpit) Kuya, natatakot ako…
Ginji: Don't Worry, Akong bahala...
At pinabilis ni Ginji ang takbo ng motor ngunit malapit na sila maabutan ng Halimaw.
Eagle Haunter : Andito na ako, AWWKKKAKAKAKAKAAKKKK!!!! (pinatamaan nya ng matatalim na blades ang Magkapatid)
Inilagan ni Ginji ang mga itinirang Blades ng halimaw sa Kanila. Pero may nakalusot na isang blade at tinamaan ang hulihang gulong ng Motor nya. Ibrineyk nya ang Motor para maiwasan ang matinding pinsala sa kanilang dalawa ni Nanami. Pinadaan nya ito sa may parke at tumumba ang motor at nagpadausdos sa may damuhan.
Tumigil ito pero ligtas ang magkapatid.
Ginji : ayos ka lang ba Mii-chan?
Nanami : ok lang ako… Nii-san
Eagle Haunter : AWWKAKAKAAKAK!!! Sapul! Ngayon… magpaalam na kayo sa mundong ito!!!
Mabilis na tumayo sina Ginji at Nanami at iniwan ang Motor, hinarap ni Ginji ang Halimaw, binigyan nya ng sipa at suntok ang haliamw ngunit sobrang lakas nito. Tumalsik sa isang suntok ng Halimaw si ginji. Lalong natakot sa nakita si Nanami, tumayo ng dahan dahan si Ginji.At muling nilabanan ang Halimaw. Samantala, Tinawagan ni Nanami si Randy.
Nanami : Sagutin sana ito kaagad ni Randy….
Randy : (kakasakay lang nya ng Jeep nang tumunog ang kanyang celfone, tiningnan nya ito kung sino ang tumatawag at nang makitang si Nanami iyon kaagad nyang sinagot) hello? Mii-chan?
Nanami : (takot na takot) Randy, Tulungan mo kami… may Halimaw na sumalakay sa amin ni kuya Ginji…
Randy : Ano? Asan ka ngayon?
Nanami : nasa isang Park kami. Bilisan mo na…
Randy : sige papunta na ko jan. (pumara saka bumaba ng jeep si Randy at tumakbo papunta sa park, malapit lang ang Park na yun kya napuntahan nya agad. Nakita nya sina Nanami…
Randy : Mii-chan! (palapit na kina Nanami)
Nanami : Randy… tulungan mo kami…
Randy : dun na muna kayo ni Kuya mo sa banda dun. Magtago kayo. Ako ang bahala sa Halimaw na ito…
Nanami: Oo.. Tara na kuya...
Nagtago ang magkapatid at pinanuod ang gagawin ni Randy.
Orthos: Mukhang malelate ka ng Uwi ah?
Randy: Oo, pero tatapusin ko muna itong Bagong Haunter na ito...
Eagle Haunter: Ang tapang mo naman para Harapin ako..
Randy: ha ha ha...! Di pa ba halata? Tatapusin kta agad, (Kinuha ang Kwintas at itinapat sa bandang bewang niya...At naging ArchBuckler ito!)
Eagle Haunter: kakainin mo ang mga sinasabi mo na yan! AWWWWWKKK!
Biglang Sinugod si Randy ng Eagle Haunter!
ABANGAN SA SUSUNOD na...
HENSHIN SAGA: SABER!
=> Next Episode: STAGREDDER!