Linggo, Disyembre 7, 2014

HENSHIN SAGA: SABER - Episode 8: "Memories of the Past"

(Ang nakaraan sa HENSHIN SAGA: SABER... 

Kinalaban ni Saber ang Mosquito Haunter. At dahil sa taglay nitong lakas ay di nakayanan ni Saber at siya nagapi nito. Ngunit, isang milagro ang naganap! Dahil sa Pusong niyang handang tumulong sa mga nangangailangan ay Lumabas ang isa sa mga natatagong lakas ng ArchBuckler!)

Saitama, Japan. Sept. 27, 20XX. Sa ganap na 7:03 am...

Sa bahay ng pamilya Uchida.

Mahimbing na natutulog ang isang 3rd year High School student na si Ginji at ang bunsong kapatid nyang si Nanami...
Nakahiga sa taas ng double deck si Nanami. Samantalang ang kuya niya ay nasa baba naman nito.
Nang may kumatok sa pinto ng Kwarto nila.

*Tok! Tok! Tok!*

Mrs.Uchida: Gin-kun.. Mii-chan.. Bumangon na kayo, baka mahuli kayo sa klase niyo.
Amelia Uchida, 35 years old, isang Filipina na nakapag-asawa ng Hapones at nanirahan na sa Japan.

Ginji: *pupungas-pungas saka humikab* 5 minutes pa po...
Inaantok pa po ako eh.

Nanami: (gising na at tiningnan ang kuyang inaayos ang Higa.)
tara na Nii-chan, bumangon ka na dyan. . .

Ginji: 3 minutes pa Mii-chan... Inaantok pa ako...

Nanami: Nii-chan naman... Magagalit si Kaa-san niyan, Tara na kasi...

Ginji: Sandali na lang...

Nanami: (bumaba sa double deck at palabas na ng Kwarto...)
bahala ka nga diyan, ayaw kong mapagalitan ni Kaa-san...
(Binuksan ang pinto ng kwarto)

Mrs.Uchida: Gising na ba si Nii-san mo?

Nanami: (Itinuro si Ginji na naghihilik) Opo, kaa-san. Pero, umextend pa ng Tulog. (saka tuluyang lumabas ng kwarto papuntang Banyo..)

Mrs.Uchida: (Nilapitan si Ginji at ginising ito..) Gin-kun, Bumangon ka na nga diyan...
Pag di ka bumangon diyan, di ko ibibigay yung regalong bigay ni Tou-san mo. Sige ka...

Ginji: (Bumalikwas ng bangon) Kaa-san, anong regalo ni Tou-san? :)

Sa Kyoto naman, abala sa inaayos na trabaho si Mr. Satoshi Uchida, ang Mabait at masipag na asawa ni Amelia. Siya ang Ama ni Ginji at Nanami.

Ms.Takahashi: May ipapagawa pa po ba kayo, Uchida-san?

Mr.Uchida: Ayos na ito, Takahashi-san. makakalabas ka na...

7:30am na at Nasa hapag kainan na ang magkapatid para kumain ng Almusal.

Ginji and Nanami: Itadakimasu!!!

Mrs.Uchida: Sige, kumain na kayo diyan.

Ginji: sarap talaga ng luto ni Kaa-san. (subo ng kanin at sinabayan ng ulam na tamagoyaki..)

Nanami: *natawa*

Mrs.Uchida: Yung nii-san mo talaga ay napakabolero.

Ginji: Nagsasabi po ako ng totoo... Oo nga po pala, Kaa-san... Yung regalo po ni Tou-san?

Mrs.Uchida: nasa bag mo, inilagay ko dun.. Tapusin mo na nga muna yang kinakain mo...

Ginji: Opo... (saka itinuloy ang pagkain...)

Nang makatapos kumain ay kinuha na ni Ginji ang bag niya. Binuksan ito para makita ang regalo ng Ama para sa kanyang kaarawan...

Ginji: Ang pinapangarap kong cellphone! Yes! Meron na din ako sa wakas...
(pinuntahan ang ina na nasa kusina...) Kaa-san,binili pala ni Tou-san itong pangarap kong cellphone..

Mrs.Uchida: Oo, pinadala nya dito galing sa Kyoto. Kahapon lang yan dumating.

Ginji: Ganun po ba? Ang bait talaga ni Tou-san...

Nanami: (dumaan sa pintuan ng kusina.)
Nii-san, tara na.. Baka ma-late pa tayo..

Mrs.Uchida: hinihintay ka na ni Mii-chan...

Ginji: Thank you po, Kaa-san! Andito na ba yung cellphone number ni Tou-san? Tatawagan ko po kasi siya para magpasalamat.

Mrs.Uchida: Oo, andiyan na.. oh, Ito na pala ang mga Bentou nyo... Mag-iingat kayo sa pagpasok ng eskwelahan.

Ginji & Nanami: Opo, Kaa-san!

7:50 am na ng umaga. Umalis na ang magkapatid para magtungo sa eskwelahan nila.

Umpisa ng paglalakad nila mula sa bahay hanggang sa eskwela ay 30 minutos ang bubunuin. Nagkwentuhan muna ang magkapatid.

Nanami: Nii-chan, ano ini-regalo sa'yo ni Tou-san?

Kinuha ni Ginji ang regalong cellphone ng tatay niya at ipinakita sa bunsong kapatid.

Ginji: ito oh, bagong unit ng VADOPHONE, RX-360 android phone. :)

Nanami: Sugoi... Sana bigyan din ako ni Tou-san pag nakapasa ako sa Exams ko. :D

Ginji: Sure yon na bibigyan ka ni Tou-san. Matalino ka kaya maipapasa mo ang mga exams mo. ;)

Biglang naalala ni Ginji na tatawagan niya pala ang Ama niya.

Ginji: Teka, tawagan ko muna si Tou-san..

hinanap niya ang cellphone number ng ama sa phone book ng cellphone niya at saka idinayal ito.
Nag-ring ang cellphone ni Mr.Uchida. Nakita nya ang pangalan ng tumatawag at Sinagot niya agad ito.

Mr.Uchida: Hello, Gin-kun.. Ikaw ba iyan?

Ginji: Hello, Tou-san.. Ako nga po. Musta po ang work niyo diyan sa Kyoto? Papasok na po ng eskwelahan.

Mr.Uchida: ayos lang naman, Gin-kun.. Basta para sa inyo ng kapatid mo at Kaa-san niyo, titiisin ko ang hirap ng trabaho. Ang Imouto-chan mo, kasama mo ba?

Ginji: opo... Ito po sya. (itinapat kay Nanami ang cellphone) musta ka na daw, mii-chan..

Nanami: Ohayou, Tou-san! O.K lang naman po ako...

Ginji: Oo nga po pala, Tou-san...Arigatou Gozaimasu para po sa niregalo niyo pong cellphone. Ang astig po nito.. Gusto ko talagang magkaroon nito eh.

Mr.Uchida: Buti nagustuhan mo. Sige, Gin-kun... Mamya ka na ulit tumawag, busy pa ako. Bye, Gin-kun!

Ginji: bye... Tou-san..

At tinapos muna ni Ginji ang tawag...
8:15am na sila nakarating sa eskwelahan nila. Sa tapat ng central building ay naghiwalay na ang magkapatid nagtungo na sa kani-kanilang mga klase.

Tulad ng ibang estudyante ay isang normal na araw lang ang lumipas sa magkapatid. 7 na oras silang nanatili sa eskwelahan. Kasama ang ibang estudyante at mga sensei nila.
3:30 na nang natapos na ang klase ng magkapatid. Sa tapat ng Gate, ay hinihintay ni Ginji si Nanami, Nakita siya ng 3 kaklase niya na sina Ryo, Retsu at Gou.

Retsu: Ui, Gin! Sama ka ba sa aming maglaro ng PX-CUBE games kina Gou?

Ryo: Wala namang pasok bukas eh.

Gou: Oo nga, tara na Gin...

Ginji: Pasensya na, pero... May gagawin pa ako. Next time na lang.

Gou: sayang naman kung ganun,oh sige.. Next time na lang ha.. Bye! :)

pag-alis ng tatlo ay saktong palapit naman si Nanami kay Ginji.

Nanami: Konnichiwa, Nii-chan! :) tara na po..

Ginji: Konnichiwa... Teka lang, tawagan ko lang muna si Tou-san ulit.

Idinayal ni Ginji ang numero ng cellphone ng Ama niya para tawagan ngunit di sinasagot ng Ama niya.

Ginji: Nakakapagtaka, bakit kaya di sinasagot ni Tou-san?

Nanami: Bakit, nii-chan?

Ginji: Ayaw sagutin ni Tou-san yung cellphone niya.

Nanami: Baka busy si Tou-san sa trabaho.

Nagpatuloy sa paglalakad sina Ginji at Nanami pauwi sa bahay nila. Ngunit, nung pagdating nila sa Bahay nila ay nakita nilang umiiyak ang kanilang Ina.
Agad na nilapitan nila Ginji at Nanami ang kanilang ina...

Ginji: Kaa-san, bakit po kayo umiiyak?

Mrs.Uchida: Gin-kun, Mii-chan... Si Tou-san niyo ay... Patay na...

Nabigla ang magkapatid sa narinig nila..
Nagumpisa na rin lumuha ang mga mata nina Ginji at Nanami.

Ginji: Pero, kausap ko pa po siya nitong umaga lang...

Mrs.Uchida: ayon sa tauhan niya... 12:05 ng tanghali, may narinig na ingay sa loob ng opisana ng Tou-san nyo.. Kumatok ang mga tauhan niya ngunit ayaw buksan ang pinto. Nung mabuksan ng mga security guard ang pinto at pasukin nila ang opisina, nakahandusay sa sahig ang Tou-san niyo at duguan dahil sa malalaking sugat at gilit sa leeg niya.

Dito na nagumpisang maiyak si Nanami...
Kuyom ang kamao ni Ginji, Galit ang nararamdaman niya sa pumaslang sa ama...

5 na araw pagkatapos iburol sa bahay ng Lolo nila Ginji ang pumanaw na Ama, ay inilibing na ito. Nasa harap ng Puntod ng Ama ngayon si Ginji.

Ginji: Tou-san...Kahit anong paraan gagawin, ko maipaghiganti kita...!

Nagising si Ginji, nakaidlip siya pagkatapos ng maghapong ensayo ng kanyang Ninjitsu. Galing sa angkan ng mga Ninja ang Ama ni Ginji. Pero, dahil di likas na mahilig sa ganung uri ng buhay ay lumayo ito at namuhay ito ng normal...

Ginji: Nakatulog pala ako... Kailangan ko na ulit mag-ensayo para maperpekto ang jutsu na gagamitin kong pangkitil sa pumaslang kay Tou-san...

Kinuha niya uli ang "Kishin no Ken" at muling inumpisahan ang kanyang pag e-ensayo.

Kinabukasan... Habang papunta Grocery si Ginji para bumili ng kakainin nila ni Nanami, Nakita niya ang isang babae na akbay ng naka jacket na tao. papunta ang iyon sa may eskinitang nasa kabilang kalye.
Duguan ang damit ng babae. Nakilala niya ito. Isa sa mga Kaklase niya, si Camille. Ang muse ng Engineering Department sa School nila.

Ginji: Si Camille? Pero, bakit duguan ang damit niya?

Walang masyadong tao sa lugar na iyon nung oras na iyon.
Di siya mapakali kaya Sinundan ni Ginji ang tao na iyon...
Nang makarating siya sa bungad ng eskinita, nakita nyang inilapag ng taong iyon si Camille. Humihinga pa ito... Nagulat si Ginji sa mga sumunod na ginawa ng Tao iyon dahil inilabas nito ang matatalas na kuko at aktong hihiwain ang bituka ng babae.

Ginji: Itigil mo yan!

Bago pa tuluyang mahiwa ng tao na iyon ang tiyan ni Camille ay sinugod na ni Ginji ito at sinipa niya sa likod.

Natanggal ang sumbrero at takip sa mukha nito at nalaman ni Ginji na di ito tao kundi isang Haunter! Wangis nito ang isang Asong Lobo.

Gini: I-Isang HAUNTER!

Wolf Haunter: Bakit mo ako inistorbo sa merienda ko?!!

Ginji: hindi kita hahayaang ituloy ang balak mong pagpatay sa kanya!

Wolf Haunter: kung ganun, isasama na lang kita sa memeriendahin ko! GRAAAAAHHHWWLLL!!!

Gamit ang mga matatalas na pangil ay sinugod nito si Ginji.
Inilagan nya ang unang atake ng Halimaw. Saka niya ulit ito sinipa at sinundan ng isang suntok sa mukha.

Nasaktan ang Halimaw ngunit di sapat iyon para mapatigil ito.
Gamit naman ang matatalim na Kuko ay kinalmot nito si Ginji. Nasaktan siya at napaatras si Ginji.

Ginji: Malakas ang halimaw na ito...

Wolf Haunter: GAHAHAHAHA... Handa ka na bang mamamatay para maging Pagkain ko?

Ginji: Hehehe.. Hindi mangyayari yon... Subukan mo na lang...

Wolf Haunter: Kung gusto mo na talagang mamatay! GRAAAAAAHWWLLL...!!!

Sinugod ng halimaw si Ginji,
May plano siya...

Ginji: Heh, Panahon na para gamitin ko na ang isa sa mga in-ensayo kong Jutsus...
(pinagdikit ang palad at pinorma ang mga daliri para isagawa ang jutsu...)
Ninpuu, Hikari Jutsu…
Glazing Flash!

Wolf Haunter: ANOOOOO?!! Nasisilaw akoooooooo!!!

Nabalutan ng matinding liwanag ang paligid, nasilaw ang Halimaw. Mabilis na Binuhat at inilayo ni Ginji si Camille sa lugar na yon.
Dinala niya ito sa tagong lugar, sa Bakanteng lote na malayo sa pinanggalingan nila.

Ginji: Camille... Gising na..

Camille : unghhh... Anong nangyari? Teka, Ginji? Bakit ka nandito at nasaan tayo?

Ginji: sa maniwala ka man o hindi, Muntikan ka nang makain ng isang Halimaw. Buti at napigilan ko sya at nailigtas kita.

Camille : Akala ko, panaginip ang lahat, totoo na pala... Salamat sa pagkakaligtas mo sa akin. Nga pala, asan na yung Halimaw?

Ginji: Tinakasan lang natin ang Halimaw na yon. Malamang sa Oras na ito ay hinahanap na nya tayo.

Camille : Naku, paano na yan... Anong gagawin natin?

Ginji: Hangga't nandito ako, poprotektahan kita. Halika na, at iuuwi na kita sa bahay niyo... pero, bago yon.. (hinubad ang suot na jacket at ibinigay kay Katarina.)
ihahanap muna kita ng maayos na damit, dumaan muna tayo sa bahay namin.

Samantala, patuloy sa paghahanap sa kanila ang Wolf Hunter...

Wolf Hunter: GRAAAAHHWL..!!!
Pesteng pakilamero yon. Akala niya ay matatakasan nila ako... Malakas ata itong pang-amoy ko.. Mahahanap ko sila kahit san pa sila magtago! HAHAHAHAHAHA!!!

Magawa kayang mahanap ng Wolf Haunter sina Ginji at Katarina?

ABANGAN Sa Susunod na HENSHIN SAGA: SABER!

=>Next Episode: "The Blade of Stealth!"...